You might be planning to have a business or you may
want to start a new career. It is important that you have
to really know your main purpose to make a decision.
Bakit ba marami ang palipat-lipat ng kurso? Bakit may
iba na palipat-lipat din ng trabaho o kaya naman paiba-
iba ng negosyo? Bakit parang laging may hinahanap?
In this blog, let me help you to find your own purpose.
Subukan natin isa-isahin ang ating mga gusto at dahilan upang malaman natin ang path na tatahakin.
First thing that we can do is know our
GOALS
“Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral.”
“Gusto kong makahanap ng magandang trabaho.”
“Gusto kong makapunta sa ibang bansa.”
Ang goals ay mga gusto nating mangyari. Pero kailangan ay malinaw din kung ano ang talagang pinakagusto natin. Hindi lang sapat na makapagtapos tayo ng pag-aaral.
Kung nakatapos tayo, ano na ang mangyayari? Ibig sabihin ba nito, ok na? Tapos na? Paano natin masasabi na nasa magandang trabaho rin tayo? Ano ba ang maganda at hindi?
Bakit ba natin gustong makapunta sa ibang bansa?
Kailangan malinaw sa atin kung ano mismo ang gusto
natin pagkatapos mag-aral.
Dapat alam natin kung ano ang ating gagawin kung hindi naging maganda ang takbo ng trabaho natin dahil hindi naman talaga palaging maganda ang takbo sa trabaho.
Dapat alam natin kung hanggang kailan lang tayo sa
ibang bansa at kung para saan ang pagpunta natin doon. We set not just goals but we define our own goals in life.
We also have to create our own
VISION AND MISSION
Kung tayo ay magtatayo ng negosyo kailangan alam natin kung para saan ang negosyong bubuoin natin at kung paano natin maisasakatuparan ang vision natin.
Ang vision and mission natin ay hindi lamang para kumita tayo ng pera kundi upang makatulong na rin sa ating pamayanan at maging responsableng mamamayan.
Hindi naman mali na isipin natin ang makabubuti para sa ating sarili at sa ating pamilya, pero mahalaga rin na may pakialam tayo sa ating community lalo na sa ating bansa.
It’s a legacy rin kapag nagawa natin nang tama ang mission natin. Napakasarap nito dahil maganda ang pagkakakilala sa atin. May maiiwan tayong mabuti sa mundo natin.
Kaya subukan din nating bigyan ng pagkakataon ang ating mga sarili na makatulong sa iba at makabuo ng pagkakaibigan na makakasama natin sa pagkamit ng ating vision and mission.
Gawin natin ito sa pamamagitan ng pagpapatibay ng ating
CORE VALUES
Ito naman ang nagsasabi kung nasa tamang landas ba tayo at kung ito nga ba talaga ang gusto nating tahakin. Ito ang nakatutulong para makabuo rin tayo ng ating desisyon.
Kung malinaw sa atin kung ano ang ating core values, hindi agad tayo madadala ng ibang mga tao o mga pangyayari na magpapabago ng ating plano o magpapahinto sa ating gusto.
“Taliwas ito sa plano ko para sa aking business.”
“Hindi ito ang makabubuti para sa nakararami.”
“May iba pang paraan upang magawa ang nararapat.”
Kapag na-set na natin ang ating core values, mayroon tayong maaaring tingnan kapag tayo ay nahihirapan sa ating desisyon o kaya ay naiipit sa mga sitwasyon na makaka-apekto sa iba.
Sa tulong nito, mababalanse natin ang ating mga nararamdaman at mas makikita natin kung tayo ba ay tumataliwas sa ating vision at mission at lumalayo na sa pag-abot ng ating goals.
“Kung pakiramdam mo na lagi kang may hinahanap
at parang naliligaw, kausapin mo ang iyong sarili at hayaan ang kabutihan ang mangibabaw.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang main goal mo?
- Paano mo makakamit ang iyong goal?
- Bakit mahalaga sa ’yo ang iyong goal?
—————————————————————————————————————-
Sali na sa “JUAN NEGOSYANTE: Negosyo Now! Asenso Later!” Online course and learn how to build your business from scratch. Ito pa, may ONE YEAR ACCESS pa! You can watch it anytime, anywhere for P799!
Register Now! Hurry and don’t miss this out!
Click here to reserve your slots: https://lddy.no/8var
-More than 20 videos
-Watch it over and over again.
**For a limited time only, you can access ALL 12 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: https://lddy.no/8znd
—————————————————————–
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
- Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
- Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
- Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.