Usong uso ngayon ang mga gatherings
sa family, high school, college, or
office barkada.
Sa bawat party na inaatenan natin
minsan ka na bang nakarinig ng:
“Uy ang taba mo na ngayon!”
“Ikaw ba yan? Bakit parang umitim ka?”
“Oh kailan kayo magpapakasal?”
“Wala ka pa din anak? Anong petsa na?”
Papaano naman tayo gaganahan
umattend ng ganito kung
pagdating na pagdating pa lang
‘yan na kaagad ang bungad.
May mga tao talagang mahilig pumuna
ng mga bagay na medyo sensitive ang topic.
Sa dami naman ng pwede sabihin,
iyang mga statement pa na iyan ang naisipan.
Kung tayo ang ganito o
tayo man ay biktima ng pamumuna,
here’s what we need to remember:
FOCUS ON THE GOOD
(Photo from this Link)
“Mataba”
“Maitim”
“Wala pang anak”
“Ang tagal magpakasal”
…obviously, these are sensitive AND
negative words na hindi naman
natin kailangang sabihin.
Pwede namang simpleng
“Hi o hello”
“Namiss kita.”
“Tagal na natin ‘di nagkita.”
“Ganda mo girl!”
Focus on those.
At kung wala namang magandang sasabihin e
manahimik na lang.
MALI ANG INTENSYON
(Photo from this Link)
Bakit kailangan natin ito sabihin?
Para makaangat?
Makakuha ng atensyon?
Walang masabi?
Kung ito lang ang dahilan natin,
hindi ito valid reason para manakit ng kapwa.
Maaaring mukhang parang wala lang sa kanila
but deep inside, masakit ito.
Kung tayo din ang masabihan nito
hindi din natin ito magugustuhan.
“Uy di ah, hindi ako pikon.”
“Sus, ang babaw babaw eh.”
Kahit pa tingin natin ay mababaw o
hindi naman natin intensyong manakit,
matuto tayong umatras at mag slow down.
MINSAN LANG ‘YAN
(Photo from this Link)
Minsan na nga lang magkita
manlalait pa?
Ngayon na nga lang uli nagkasama sama
puna pa ang we-welcome sa kanila?
Isang beses sa isang taon na nga lang
aasarin pa?
Huwag naman tayong gano’n.
Ang objective kaya tayo nagkikita-kita
ay para magsaya at makipagkwentuhan lang
at hindi para pumuna ng kapwa.
Sige, baka next time ‘di na ‘yan sumama
lalo na kapag natamaan sila ng husto.
“ ‘Tis the season to be jolly. Hindi, PUNA-nananana-nananana.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang kadalasan mong sinasabi kapag nakita mo ang friends and family mo after a long time?
- Is it nice or hurtful?
- How can you welcome them without criticizing?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“PAYING DEBT THROUGH BUSINESS OR INVESTMENT ”
Click here to watch➡➡➡ https://youtu.be/mLQ0GELsYlE
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
Season 1 Episode 3: ” Travel Now, Pulubi Later”
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.