Single Blog

Proud to be Pinoy In Ireland

Today is our last day here in Ireland, and I can say that this will be on our list of most unforgettable travel and experience, but not because of the great weather, sights and fantastic tourist spots.

It is because sobra akong na-overwhelm sa kindness and hospitality na ipinakita ng ating mga kababayan dito sa Ireland. Walang pagod na kami ay sinamahan, pinasiyal, pinakain at nilbre sa lahat ng aming mga lakad.Ito lang ang masasabi ko sa mga Pinoy, kahit na nasa ibang bansa:

HOSPITABLE
Gagawin nila ang lahat to make you really feel at home. They will not treat you as a tourist, but as their guest. They will do everything they can to make your time there comfortable and enjoyable. Grabe talaga! They drove us around and even opened their homes. Kung ano ang kanilang kinakain yun din ang kanilang pinapakain. Ibang klase talaga ang hospitality ng mga kababayan natin.

GENEROUS
They will not withhold anything para lamang maging masaya ang kanilang guest. Biruin mo, halos lahat ng pinuntahan namin sila ang nagbayad. Sasama pa ang loob nila kung tinanggihan mo ang kanilang kabutihan. Ikaw na ang mahihiya sa sobrang generous nila. Kapag naghanda parang walang bukas. Dito mo makikita kung gaano kagalante ang mga Pilipino sa kanilang mga bisita. Kaya nga napakasaya din kasama ang mga Pinoy.

LOVING & CARING
This is one thing you cannot deny, that Filipinos are loving and caring people. Concerned sila sa kung ano ang nangyayari sayo. Parati silang nagtatanong kung kamusta ka na. Dadamayan at hindi ka iiwanan kung ikaw ay merong problema. Dahil sa katangian na ito, ang Pinoy ay maaasahan sa anumang oras, sa anumang panahon.

Iilan lamang ito sa mga magaganda nating katangian bilang Pilipino. Kaya, kahit saan kang bansa pumunta ay dapat mo ipagmalaki na ikaw ay isang Pinoy. Huwag kang manliit o ma-intimidate sa ibang lahi at lalong huwag kang mahihiya sa pagiging isang Pinoy. Napakarami nating kakayahan at mako-contribute sa ikauunlad ng mga bansa kung saan tayo naghahanapbuhay, at ganun din sa buong mundo.

Filipinos are Hospitable Generous and Caring People Proud to be Pinoy

Comments (0)

GET YOUR VIDEO NOW!

Enter your email address below and we'll send you your video through your email.
GET ME THE VIDEO!
We promise we will never spam you. We hate spam
close-link

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link