Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

PRITONG ISDA

October 7, 2019 By Chinkee Tan

Kahit napakasarap na ulam nito, sa blog na ito ay
hindi naman talaga tungkol sa pagkain.

Oo alam ko na kakaiba ang title ng blog ko ngayon.
Ipipilit ko lang talaga ang dalawang main points ko
ngayon: Pride at Selfishness

Sa kahit na anong relasyon, kapag present itong
dalawang ito, panigurado katapusan na ng
relationship. Ito kasi ay talagang nakasisira.

Kailan ba natin masasabi na nagiging selfish na tayo
at kinakain na tayo ng pride?

Table of Contents

Toggle
  • YOU THINK THAT YOU’RE ALWAYS RIGHT
  • YOU’RE TOO COMPETITIVE
  • YOU DON’T APOLOGIZE
  • THINK. REFLECT. APPLY.

YOU THINK THAT YOU’RE ALWAYS RIGHT

Not left… haha!

“Sabi ko naman sa ‘yo eh. Tama ako.”
“Alam ko ito. I don’t need your suggestions.”
“Bakit mo kasi ginawa? Hindi mo man lang sinabi sa ‘kin.”

Kapag nakaririnig tayo ng mga ganitong salita, alam
na natin na tapos na ang usapan. Mahirap nang
makipag-usap dahil sarado na ang isip.

Subukan man natin ay para bang wala ng point ang
sasabihin natin. Kaya nagkakaroon ng gap.
Kasi yung isa galit, yung isa ayaw nang mag-raise up.

Kahit alam nating tama tayo at mas alam natin ang
isang bagay, kailangan ay piliin pa rin natin ang ating
mga sasabihin sa ibang tao upang ‘di tayo makasakit.

Ayaw din nating tayo ay layuan ng mga tao o kaya
naman ay pagsabihan din nila ng hindi maganda kapag
tayo ay nagkakamali.

Another sign ay

YOU’RE TOO COMPETITIVE

Napipikon ka kapag narealize mo na tama ang asawa mo.
Naiinis ka kapag alam mong mas magaling ka sa
kasamahan mo sa work pero sa kanya binigay ang project.
Hindi ka makatulog kaiisip para maungusan mo ang
kapitbahay n’yo.

These are just a few examples. Kung titingnan natin,
napaka-childish nga rin. Hindi naman dapat ikainis pero
kinaiinisan, to the point na nasisira na ang relasyon
natin sa mga taong nakapaligid sa atin.

Masyadong nagiging ma-pride na at ang gusto na lang
halos natin ay makahanap tayo ng ikababagsak nila
para makitang mas magaling tayo.

Pero kung ganito tayo mag-isip at kung ito lagi ang
paiiralin natin na damdamin, siguradong bawat araw
ay napakabigat ng ating pakiramdam.

Halos ayaw nating makitang masaya o nagtatagumpay
ang ibang mga tao sa paligid natin kasi pag ganito,
iniisip agad natin na failure tayo o less important.

So at the end, we feel sad. And another sign is

YOU DON’T APOLOGIZE

Sa tingin mo ikaw naman talaga ang tama pero
ikaw pa rin ang hihingi ng tawad kasi alam mong mas
magiging maganda ang paningin sa ’yo kung gagawin
mo ito.

So at the end, hindi ka naman talaga nag-sorry kahit alam
mong may mali ka rin, pero nag-sorry ka for the sake of
saying sorry.

“Oh nag-sorry na ako ah.”

Naniniwala ako na sa mga tampuhan at ‘di pagkakaunawaan,
laging dalawang party ang may pagkukulang. Maaaring
ang isa ay mas mabigat sa isa, pero sa dulo, parehong
may pagkakamali rin o pagkukulang.

Kailangan kasi ay makita natin na mayroon tayong dapat
i-improve sa sarili natin. Kung hindi natin ito iisipin, lagi
tayong magmamataas at sa huli baka sa sobrang taas na
natin ay tayo na lang ang nasa tuktok at iniiwan na tayo
ng mga tao sa paligid natin.

“Kaya huwag nating hayaan makain tayo ng pagiging makasarili.
Kailangan mahalin din natin ang iba at hindi lamang ang ating sarili.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Paano natin tinatanggap ang ating mga pagkakamali?
  • Ano ang pinakamahalagang sangkap ng isang matibay na relasyon?
  • Sino ang taong hiningian mo ng tawad at bakit?

——————————————————————————-

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: PRITONG Tagged With: Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.