Branded at mamahalin ba ang mga damit mo?
Lagi ka bang flashy or flamboyant?
Hindi ka ba nagpapahuli sa latest fashion?
Punong-puno na ba ng samu’t-saring damit ang aparador mo?
Do you dress to impress?
Kung ikaw ay isang fashionista, I’m sure alam mo na ‘yung latest fashion called “MARONG” (maong paired with a barong).
Iyan ang madalas na suot ng ating bagong Pangulo sa kanyang mga lakad. I’ve heard of suit plus maong, but never pa tayong naka-encounter ng barong and maong na combination. Hindi natin masyadong ikakagulat kung ang magsusuot nito ay isang ordinaryong mamamayan. Pero kung Pangulo ang magsusuot nito, tapos sa inauguration pa niya, talaga namang kakaiba!
Some might say, pauso or own style ito ni President Digong. Pero it only reflects one thing – even with the way he dresses, masasabi mong tunay siyang makamasa. Sa pananamit pa lamang niya, makikita mong ‘di sya mahirap ma-reach!
Nakakatuwa na meron tayong Presidente na talaga namang cool na cool at walang kaarte-arte sa katawan. Tulad ng mga well- known movers and shakers like Steve Jobs (inventor ng Apple computers) and Mark Zuckerberg (founder ng Facebook) na napakasimple manamit, ganoon din ang ating Pangulo. Simple ang pananamit kahit siya ang pinakamakapangyarihan sa bansa.
Maybe you’re thinking, ano nga ba ang mapapala mo sa simpleng pananamit? Marami, kapatid! Allow me to share some of the benefits of wearing something simple:
HINDI MAGASTOS
Kapag nasanay tayo sa simpleng pananamit, hindi mabubutas ang bulsa natin. May mga iba kasi na imbis na ikain nalang o ibayad sa responsibilities, nauuwi lang sa pagbili ng mga damit.
HINDI NAKAKA-STRESS
Naranasan mo na ba ‘yung feeling na…
Hirap na hirap kang pumili ng isusuot mo sa pang-araw-araw?
Sangkatutak ang damit mo pero feeling mo, wala kang masuot kahit isa?
Lagi kang nakabantay at nakasubaybay sa kung anong uso? Ayaw mo kasi na maging out of style ka.
Nalulubog ka na sa utang sa kakabili ng mga damit na ‘di mo naman kailangan o nagagamit?
Nakaka-stress, hindi ba?
HINDI KA LAPITIN NG MAGNANAKAW
Minsan kapag posturang-postura ka, napagkakamalan kang mayaman at mapera kahit hindi naman. Kaya naman kung minsan, ‘yung mga bongga manamit, sila ang malimit na biktima ng mga holduppers at snatchers.
Iisa lang ang purpose ng damit and that is to cover our bodies. Hindi naman masamang magdamit ng bongga. Depende rin ‘yun sa tao at sa kanyang preference. But the next time you buy or wear something extravagant, you are welcome to reflect on these benefits I shared with you. The choice is yours.
THINK. REFLECT. APPLY.
Paano ka manamit?
Simple ba o bongga?
Bilib ka ba sa style ni President Duterte when it comes to wearing simple clothes?
====================================================================
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Are you ready for more? Check on these related posts on tips from our President:
- Pres. ??Duterte? Tipid Tips: Live Within Your Means
- Pres. Duterte Tipid Tips: Travelling In Economy Class
- Pres. Duterte Inspirational Tips: Removing The Entitlement Mentality
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.