Sa panahon natin ngayon, ang hirap nang bumyahe kahit may sarili kang sasakyan. Nakapapagod ang traffic. Kaya minsan napapaangkas na rin ako eh. Haha..
Kasi naman mga friends, time is gold ‘di ba? Kaya kapag may mga events akong pupuntahan at mukhang malabo talagang makarating on-time, kailangan ay gawan natin ng paraan.
Mahirap kasi na maraming tao ang maghintay at masayang ang kanilang oras. Kaya naman I do these:
I SET MY OWN DEADLINE
Kailangan kong magset ng sarili kong deadline para alam ko kung ano ang ipa-prioritize ko. Mahirap kasi ang cramming lalo na kapag sabay-sabay.
Kaya every night, sinusulat ko yung mga gagawin ko para sa next day wala akong makalimutan na kailangan kong gawin.
Mahalaga rin ito lalo na kapag may mga seminars ako para hindi magkaroon ng conflict at para maiwasan din na magkagulo ang schedule ko. I make sure that
I DON’T WASTE OTHER’S TIME
Kung ako rin ang nasa katayuan ng iba, ayoko rin na nasasayang ang oras ko. Kaya naman I always have to be on time.
I make it a habit. Mahirap din kasi na lagi akong late dahil hindi rin maganda ang implication nito sa ibang tao.
Kaya naman kapag traffic at walang pag-asa ang sasakyan ko na makarating sa tamang oras, to the rescue ang angkas. Haha! Dapat tayo na ang gumawa ng paraan sa problema.
‘Di ba nga in every problem, there is a solution. Kaya hanapin natin yun, kasi ayaw naman nating maging part ng problem ng iba, so I also make sure that
I DON’T WASTE MY OWN TIME
Kung mahalaga ang oras ng iba, pinapahalagahan ko rin ang oras ko. I make sure that I use my time wisely. Mahirap magsayang ng oras dahil hindi na ito mababalikan.
Kaya naman kapag may naiisip ako bigla, sinusulat ko para hindi ito masayang at makalimutan.
I also find time for my family, my happy wife and myself. Huwag din nating hayaan na lumipas ang araw na hindi natin maparamdam sa pamilya natin at sa sarili natin na mahalaga sila at mahalaga rin ang ating sarili.
“Hindi dapat sinasayang ang oras at ang bawat panahon,
dahil hindi dapat natin sinasayang ang mga pagkakataon.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga dapat mong matapos ngayon?Paano mo nasusundan ang iyong mga plano?
Paano mo ginagamit nang tama ang iyong oras?
- Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.