Araw-araw, tumataas ang bilang ng mga confirmed cases ng COVID-19 sa bansa.
Hindi natin alam kung kaya ba nating masolusyonan ito sa natitirang dalawang linggo ng quarantine.
Ang ingay-ingay sa social media. Lahat may kanya-kanyang opinyon. Lahat may gustong ipaglaban.
Ang gulo ng mundo ngayon. Pero wait, bago ka magmukmok at mawalan ng pag-asa, alamin muna natin ang mga ginagawa ni Happy kaya she is still thriving and positive kahit negative na ang world around her.
KUMAPIT SA PANGINOON
The times are uncertain pero ito ang napakagandang panahon para lalo pa tayong kumapit at manalig sa Panginoon. Kapag tayo ay natatakot at nag-aalala, pwedeng-pwede tayong umiyak sa Kanya. Kapag tayo ay nagagalit dahil sa injustices ngayon, pwedeng-pwede tayong magsumbong sa Kanya. Pansinin mo na tuwing natatapos ang panalangin natin, wala man agad na solusyon, may agad na ginhawa naman sa puso.
Hindi natin alam ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito pero we can take comfort from knowing who the Lord really is. Sabi sa Psalm 46:1-3,
“God is our refuge and strength, an ever-present help in trouble. Therefore we will not fear, though the earth give way and the mountains fall into the heart of the sea, though its waters roar and foam and the mountains quake with their surging.”
Kahit anong mang mangyari, we can still find strength sa Panginoon. Parati natin Siyang kasama. Hindi Niya tayo iiwan lalo na sa mga panahon ng sakuna.
MATUTONG MAGPASALAMAT
Kung titignan ang sitwasyon natin ngayon ay parang wala kang makitang dapat pagpasalamatan. Maraming namamatay. Maraming nawalan ng trabaho. Kung ito ang magiging attitude natin sa sitwasyon ngayon, ay talaga namang panghihinaan tayo ng loob at mawawalan ng pag-asa.
Kahit mahirap, subukan natin pa ring isipin kung ano ang mga bagay na maaari nating ipagpasalamat. Pwedeng magpasalamat tayo dahil walang may sakit sa pamilya natin. Maaari ring magpasalamat dahil may nakakain pa tayo ngayon. Pwede ring magpasalamat dahil nagkaroon tayo ng oras sa pamilya natin dahil sa quarantine. Kung araw-araw ay mag-iisip tayo ng kahit isang bagay na nais nating ipagpasalamat, tiyak na mag-iiba ang pagtingin natin sa krisis na ito.
AKSYUNAN ANG KAYANG AKSYUNAN
Madalas, kaya nababalisa ang mga tao ay dahil they lost the sense of control. Feeling nila ang gulo-gulo na at wala silang magawa to fix it. They feel helpless. Pero alam mo ba Ka-Chink, there is something that you can fix — yourself.
May mga bagay talaga sa mundo na hindi natin kayang solusyonan. Katulad na lang ng tumataas na confirmed cases ngayon ng COVID-19. Hindi kaya ng powers natin bilang indibidwal. Hindi abot ng ating makakaya. Kung ganito ang sitwasyon, parati nating tanungin ang ating sarili kung ano ba ang kaya nating gawin o kaya nating solusyonan? Ano ang abot ng ating makakaya? Hindi man natin kayang gumawa ng gamot sa virus na ito, pero we can do our part by not spreading it to others. Kaya, we stay at home. Self-quarantine. Maging mabuting mamamayan. ‘Yan ang abot ng ating makakaya.
Mas makagagaan ng loob kung tatanggapin natin ang katotohanan na may mga bagay talaga na out of our control. Let us have peace with that. Pero kung kaya naman nating aksyunan, aksyunan natin. Let’s do our best sa teritoryo natin — ang ating sarili.
Maging survivor tayo katulad ni Happy, The Positive Thinker. Kahit mahirap ang ating sitwasyon, kaya pa rin nating magkaroon ng magandang outlook sa buhay. Kaya pa rin nating maging positive. Matatapos din itong COVID-19. Kapit at manalig lang tayo, mga Ka-Chink!
“Walang magandang maidudulot ang pagiging negatibo sa buhay,
kaya think positive upang ang araw ay magkaroon ng kulay.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kumusta ka ngayon, Ka-Chink? Natatakot ka ba? O may kapayapaan sa iyong puso?
- Ano ang attitude mo tuwing may hindi magandang balita?
- Anu-ano ang mga nais mong ipagpasalamat sa gitna ng krisis?
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram:
https://www.instagram.com/chinkeetan
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.