Naranasan n’yo na rin ba yung napakaayos na ng plano tapos ang ganda na ng naiisip natin, biglang may mangyayari na mapapabuntong-hininga na lang tayo.
O kaya naman hindi talaga maganda ang pakiramdam mo kahit alam mo kung anong dahilan, hindi mo rin alam kung mauunawaan ka ba ng ibang mga tao.
Sa mga ganitong pagkakataon, ano nga ba ang pwede nating gawin o kaya saan ba natin maaaring kunin ang ating positive energy?
CHOOSE YOUR OWN BATTLE
Bago tayo mainis sa mundo at magalt sa lahat ng mga tao, ask first: “Is it worth it?”
Baka kasi tayo lang yung galit. Hindi naman talaga solusyon yung galit na nararamdaman pala natin. Worth it ba na ubusin natin ang ating oras at energy sa sitwasyon?
Baka may side din sila na hindi lang din natin alam. So kung talagang kailangan ayusin, idaan natin ito sa maayos na usapan. Kung hindi maayos ang kausap natin, eh hindi na natin ito problema. Ang mahalaga tayo ay mahinahon sa usapan.
TAKE ONE PROBLEM AT A TIME
Hinay-hinay lang. Isa-isahin natin. May problema sa work, sa pamilya, sa lovelife, sa sarili…hay! hahaha..
Tawanan natin kung madadaan pa sa tawa, pero huwag na huwag nating pairalin ang init ng ulo dahil ang pagsisisi ay laging nasa dulo.
Kaya naman, hanapan muna natin ng solusyon ang isa, o kaya yung pinakamabigat para makahinga naman tayo agad. Nakalulunod din kasi kung iisipin natin nang sabay-sabay lahat.
SLEEP. BREATHE. PRAY. REPEAT.
Kung talagang stressed out na, pwede rin nating ipahinga muna ang ating isipan. Kailangan din nating magpahinga para mas makapagplano tayo nang maayos.
Iwasan din natin ang gumawa ng desisyon kapag g na g tayo. Haha minsan kasi kapag galit tayo nakakapagsalita ng hindi dapat kailangan, kaya mas mabuting huminga muna.
Kung talagang hirap na rin, huwag tayong magdalawang isip na magdasal. Makatutulong din ito upang maging panatag ang ating isipan.
Humingi tayo ng gabay sa gagawin nating desisyon. Walang perpekto sa lahat ng pagkakataon, ngunit kadalasan nilalatag na ng Panginoon sa harapan natin ang mga solusyon. Nasa atin na lamang kung ano ang pipiliin natin.
“Huwag mong hayaan madala ka ng negatibong damdamin
Dahil lagi mong isipin ang mabuti mong hangarin.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga pinagdaraanan mo ngayon?
- Paano mo hinaharap ang mga ito?
- Anu-ano ang mga aral na natutunan mo sa mga pagsubok mo sa buhay?
————————————————————-
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.