Mukhang mapera, pero ang totoo…butas ang bulsa.
Mukhang big-time, pero ang totoo…lubog sa utang.
Mamahalin ang mga gamit, pero halos wala nang makain.
Yun pala, mukha lang, pero hindi pala. WOW MALI!
Okay lang mapagkamalang mahirap, pero mapera; kaysa mukhang mapera, pero mahirap lang pala.
I’m not saying that we shouldn’t look good or dress up nice, pero we should make sure:
- That we can really AFFORD it.
- That we are living WITHIN OUR MEANS and not beyond it.
Hindi naman masamang mangarap, in fact it is encouraged, pero ang mainggit at makipagkompetensya para lang pagtakpan ang totoong kalagayan natin, ibang usapan na yan.
Kung lagi tayo macoconscious sa sasabihin ng iba…
Kung parati nating pipiliting magpakitang gilas…
Kung pipiliting makipagsabayan sa iba…
Tayo din ang mahihirapan dahil hindi naman natin keri. Gagawin lang nitong miserable at kumplikado ang buhay natin.
Simple lang ang buhay, let us not complicate it. Ano ba dapat gawin para hindi puro porma lang?
GOAL SETTING.
Ano ba ang nais mong gawin?
Magpasikat at ipakita sa iba na angat ka din? O
Gumanda at umangat ang buhay?
Kung sasabihin niyo saking gumanda at umangat, then focus on it.
Wag na tayo magaksaya ng panahon para intindihin pa ang ‘brand’ ng bag na gagamitin, presyo ng damit na susuotin, o pangalan ng kainan o inumin na pwedeng ipost sa social media— hindi ito parte at sukatan ng ating pagunlad.
IF YOU CAN’T AFFORD IT, DON’T BUY IT.
Huwag umutang at huwag magpumilit bumili kung hindi kaya ng bulsa. Live within your means and adjust your lifestyle based on your income and not the other way around.
Ask yourselves:
“Nasa budget ba?”
“Importante ba ito sa buhay ko?”
Kung oo, GO! Kung hindi, WALK AWAY.
BE CONTENTED.
Don’t compare.
Stop saying…
‘Bakit siya, meron? Ako, wala?’
‘Bakit siya, ganoon? Ako, hindi?’
‘Mabuti pa siya. Sana, ako din.’
‘Lagi nalang siya. Paano naman ako?’
Let’s not pity ourselves. Kung matututo tayo magappreciate at magpahalaga, makikita natin na marami pala tayong bagay na wala ang iba which will make us….
FEEL GRATEFUL.
“Lord, thank you po kasi…”
- Nakakain ako today
- Safe ako nakauwi pati ang mga mahal ko sa buhay
- May bahay akong inuuwian
Simple things are the most meaningful, cherish that.
“Hindi na bale magmukhang walang masyadong pera pero MAY IPON.
Kaysa PORMA NOW, PULUBI LATER!”
-Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- How is your spending habit?
- Are you content with what you have?
- Are you grateful or do you keep on grumbling for more?
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
https://chinkshop.com/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.