May plano ka ba mag-upgrade ng cell phone?
Basa muna bago mo ito gawin.
Nakaka-pressure talaga maghabol sa uso.
Yung feeling mo na kung ano ang latest dapat magkaroon ka din.
Wala naman masama sa pag upgrade kung afford mo naman.
Pero minsan, para sumabay lang sa uso at trend, napipilitan bumili kahit na uutangin.
I personally love to shop, but we need to be wise when we do so.
Make sure na may pambili ka bago mag-upgrade ng iyong gadgets.
Ang pinakamasakit ay…
Ang ganda nga ng cellphone mo pero hindi mo naman magamit, dahil wala siyang load.
Nakiki-wifi ka lang sa kapitbahay at kung pinalitan yung password, ikaw pa ang galit!
Nakiki-internet ka lang sa mga ka opisina mo at naghihintay ka kung kailan nila bubuksan yung kanilang hotspot.
Alamin natin yung dahilan natin kung bakit natin gusto mag-upgrade.
Dahil ba talagang hindi na masyadong gumagana yung phone or gusto mo lang sumabay sa uso?
Yung feeling mo ba na ikaw ay napag-iiwanan at ikaw ay kawawa dahil luma ang iyong phone?
Uulitin ko, walang masama sa pag-upgrade ng phone kung KAYA NG BUDGET mo. Kung hindi, tiis muna, tiyaga muna, hintay muna ng tamang panahon bago mag-upgrade.
“Aanhin mo ang magandang cell phone kung wala kang load.
Mabuti pa yung simpleng phone, pero merong load.”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kapatid, may plano ka bang mag-upgrade?
- Meron ka na ba naipon na pambili nito?
- Kung wala, ano na ang plano mo?
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
https://chinkshop.com/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.