Being in a relationship is probably
one of the BEST things for most of us.
Love ‘yan eh, sino ba namang makatatanggi?
Nandyan ang kilig dala ng lambing,
yakap, at mga matatamis na salita na
mas matamis pa sa asukal.
Ultimo langgam nga sumusuko na sa ating kasweetan.
And I’m happy for you.
Eh going deeper, kamusta nga ba tayo
sa likod ng mga kilig na ito?
Napag-uusapan ba ang plano n’yo
sa inyong relationship?
Saan dadalhin?
Or saan kayo patungo?
Kasi you know,
hindi naman pwedeng
kung nasaan tayo ngayon
ay hanggang du’n na lang.
Puro lambingan lang.
Happy happy lang.
Kapag seryosohan na ang usapan o
isa sa atin ang magbanggit ng:
“What’s next for us, honey?”
“Ready ka na ba to take this to the next level?”
Nagagalit.
Nagpapanting na ang tenga.
Ayaw na pag-usapan.
O parang wala tayong kausap.
Ano ba yung senyales na hindi pa siya seryoso?
HINDI NAG-IIPON PLANO
(Photo from this Link)
“Huh? Eh mahal naman namin isa’t isa.”
“Love will keep us alive naman ‘di ba?
Hindi po ito totoo.
Kapag mahal mo ang isang tao,
kapag may pagpapahalaga kayo sa relationship,
mag-iipon din kayo para dito.
Pag-iipunan ang kasal,
dream house, emergency fund?
Anything towards your goals.
Ang importante — MERON.
Eh kapag kada sweldo
lahat ng pera palabas,
nagagamit lang sa mga galaan,
non stop restaurant hopping,
bili ng kung anu-ano, hindi tama ito.
Kasi ang ending “Bahala na si Batman”
ang magiging linya natin
pagdating ng panahon.
Believe me, Batman can’t save us! Haha.
SWEET LANG SA SALITA PERO WALANG GINAGAWA PLANO
(Photo from this Link)
“Huwag ka mag-alala, ako bahala sa ‘yo.”
“Hahayaan ko bang maghirap ka?”
“Love you babe, sagot kita!”
O tapos ano na?
3 years na? 5 years? 8 years ng kasal…
Anyare? Bakit parang hindi umuusad?
Nasaan na yung ipinangako sa atin?
Kasi kung meron,
mula nung araw na sinabi ito sa atin
gagawa na tayo ng paraan to make it happen.
That’s what love is.
We don’t break any promises.
We make sure na tama yung desisyon
ng ating mga mahal sa buhay na
piliin tayo because they believed
that we will take good care of them.
So kailangan natin panindigan yu’n, my friend.
MAKASARILI
(Photo from this Link)
Nung…
Nag-aaway na, walk-out lagi ang solusyon niya.
Nagkwento ka ng problema, hindi siya interesado.
May nangyaring maganda sa kanya, masaya ka
pero nung ikaw ay may success, walang man lang suporta.
Kadalasan, okay lang siya pag okay kayo.
Kapag may issue, nagbibingibingihan.
Senyales ito na hindi tayo sineseryoso.
Kasi kapag tayo ay nasa isang relasyon,
ang success ng isa, success din natin.
Ang problema ng isa, problema din natin.
Sabay haharapin ang lahat
kahit gaano pa ito kabigat.
Hindi natin hahayaan na isa lang
ang magse-celebrate o magso-solve ng problema.
Laging sabay.
Laging tandem.
Walang iwanan.
“Ang taong walang plano para sa relasyon ay parang rocking chair
na gumagalaw pero hindi alam kung saan patungo.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ba ay nasa isang relasyon ngayon?
- Kamusta naman? Napag-usapan n’yo ba ang inyong mga plano?
- Paano mo kaya ito io-open up sa kanya?
=====================================================
IPON KIT
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit 450 +100sf
1 Ipon Can + 1 Ipon Diary + 1 Diary of a Pulubi
Or
4pcs Ipon Can + 4pcs My Ipon Diary + 4pcs Diary of a Pulubi
P1,200 FREE SHIPPING!
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
IPON DIARY:
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“5 SIGNS TO KNOW IF YOUR MARRIAGE IS HEALTHY”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2LEyILK
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.