Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

PIYESTA DE PELIGRO

May 20, 2018 By Chinkee Tan

piyesta

Piyesta dito, piyesta doon.
Ang sarap paghandaan ng
mga ganitong celebration noh?

Piyesta is anything that we celebrate.

Pwedeng birthday, graduation, debut,
anniversary, wedding, o yung
typical na piyesta sa barrio.

Daming tao, daming pagkain,
lahat ng tao sama-sama,
at lahat parang masaya lang.

Pero pagkatapos na pagkatapos
ng masayang araw, ang bulsa din ba natin ay masaya?
o naging piyesta de peligro na?

“Ang KJ mo naman, minsan lang naman.”
“Eh nakapangutang naman ako para dito.”
“Makakabawi din naman ako.”

Masaya sa masaya ang maghanda
pero kung ang lahat ng ating celebrations
ay walang kontrol, nagiging cycle na lang
parati ang utang o pagkaubos ng pera.
Back to square one kung baga.

Bakit nga ba sobra sobra ang nagagastos natin?
Bakit isang event lang pero ang laki ng nawawala?

Table of Contents

Toggle
  • LAHAT SINE-CELEBRATE! piyesta
  • MULTIPLE CELEBRATION piyesta
  • LAHAT IMBITADO piyesta
  • THINK. REFLECT. APPLY.
  • CHINKEE TAN UPDATE:
  • IPON KIT (Ipon Can + My Ipon Diary Book)
  • IPON DIARY:
  • DIARY OF A PULUBI
  • NEW VIDEO ON YOUTUBE
  • MONEYKIT

LAHAT SINE-CELEBRATE! piyesta

PIYESTA
(Photo from this Link)
  • 2nd birthday, 3rd, o mapa 5th at 6th birthday…
  • Weeksary at monthsary…
  • Anniversary ng alagang aso…
  • One year na yung bahay na napundar…
  • Nakahanap ng bagong trabaho…
  • Natanggap sa barko…
  • Despedida…

Lahat ‘yan pinaghahandaan natin.

Ayan na naman ako,
matatawag na naman akong walang pakikisama! Haha!
Pero my friend, kung sa isang taon
eh higit pa sa sampu ang ating pinagkakagastusan
i-times pa natin sa P2,000 minimum,
imagine, P20,000 kaagad ang nawawala.

Yung mga pwede nating bitawan o
ipagpaliban lalo na yung hindi naman talaga milestone
o yun bang naisipan lang natin dahil GUSTO natin,
isip-isip din at baka pwedeng hinay-hinay.

Pwede naman nating ito i-honor ng hindi gumagasta.
Kung napag-ipunan, meaning,
ito’y nasa inyong “budget list” for that month, GO.

Kung wala, at kailangan pa mangutang o mag pull out ng fund
sa ibang areas tulad ng pambayad sa
tubig, kuryente, o college fund ni bagets, big NO!

MULTIPLE CELEBRATION piyesta

piyesta
(Photo from this Link)

Naghanda na sa Jollibee with family,
nag party pa sa McDonald’s with friends naman.

Nag-celebrate na out of town,
pag-uwi, party party naman para sa mga hindi nakapunta.

Nagbirthday na sa eat-all-you-can kahapon,
inulit pa the following week bilang parte daw ng ‘birthday month’.

Para bang…
gumasta na nga, gumasta pa uli.
Kasi inuulit ulit natin yung mga bagay
na pwede namang isahan na lang.

Kung may mga hindi nakapunta,
hindi ang pera natin ang kailangang mag-adjust.
Hindi rin naman porket hindi sila naka-attend
dapat na tayo makonsensya.

Kung isa lang ang makakayanan
stick to it. Huwag na ipilit.

LAHAT IMBITADO piyesta

piyesta(Photo from this Link)

Naging tradisyon na natin
yung lahat ng kakilala ng kakilala
ng kakilala natin o ng magulang natin
ay iniimbitahan.

Minsan nga nagkakagulatan na lang na
“Uy sino ‘to?”
“Kamag-anak ba natin ito?”
“Ininvite ba natin siya?”

You know why?
Kasi we stick so much on tradition.
We always think na kapag may hindi naimbitahan,
baka magtampo o magalit.

It is always okay to stick to it PERO
sa panahon din ngayon kailangan
na rin maging praktikal.

Halimbawa: 

SA KASAL
Lumalaki ng lumalaki ang guestlist
kasi sinasama natin maski
nineteen kopong kopong pa natin huling nakausap.

O yun bang wala naman kinalaman
sa ating mag-asawa.

SA PIYESTA
Asawa ni mayor
Kamaganak ng kamaganak ni kumpare.
Kumare ni nanay at tatay
lahat sinasama kasi
nahihiya tayong may masabi sila.

Let us be true to ourselves.
Kung ano lang ang kaya ng budget
doon lang tayo dapat umikot.

Baka magtampo o magalit?
Kung totoo silang kaibigan at nagmamalasakit,
maiintindihan nila ang sitwasyon.

Sa mga naimbitahan naman,
Kapag sinabing “reserved for 2 only”
huwag na tayo mag-assume na
pwede tayo magdala ng limang katao.

“Okay lang yan, hindi na nila mahahalata”
“Sigurado matutuwa yan pag nakita ka”
“Nakalimutan ka lang siguro sabihan, tara na!”

Irespeto natin yung gagastos.
Baka kasi saktong sakto lang
kawawa naman, ‘di ba?

“Kung wala naman sa budget, huwag na natin ipilit.
Huwag celebrate now, pulubi later.”
–
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

Alamin ang iba pang dahilan kaya tayo namumulubi.
Click here now: chinkeetan.com/pulubi

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu ano yung mga sine-celebrate mo ngayon?
  • May dahilan ba o pwede ipagpaliban o simplehan na lang?
  • Paano ka magiging wais kapag may celebration?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

IPON KIT (Ipon Can + My Ipon Diary Book)

Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit P300 +100sf

IPON DIARY:

Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“MY THOUGHTS ON BITCOIN”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2rTWBra

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: Finance, Financial Literacy, Money, Relationship, Uncategorized Tagged With: Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.