Bakit nga ba mabilis maubos ang laman ng pitaka natin?
HUGOT NANG HUGOT TAPOS GASTOS NANG GASTOS
Yung feeling natin ang yaman ng ating pitaka.
Yung hindi nauubusan ng funds
kaya kahit na anong bilhin ay pwede.
Basta may mahuhugot, gastos lang nang gastos ang motto.
Naku! Lalo pa kung mabaryahan ang limang daan o isang libo.
Madalas ito ang isa sa mga habit na dapat ay palitan na natin.
Sabihin man ng iba na “we work hard, so why not reward ourselves?”
kung sapat lang naman ang ating natatanggap na sweldo.
Minsan, mas napadadalas pa ang pag-reward sa sarili
kaysa sa pagtitiyaga, kumita lang ng pera.
We can reward ourselves, but make sure na may ipon na tayo.
WALANG BUDGETING NA NAGAGANAP
Ang pitakang palaging walang laman ay sign rin na hindi tayo nagba-budget.
Dahil sa madalas tayong humugot at gumastos,
nawawalang bahala na natin ang pagdidisiplina patungkol sa pera.
Masakit man isipin, pero ang hindi pagba-budget
ay nangangahulugan din ng isang pagiging pabaya.
Napababayaan na ang mga bayarin, kautangan, at sarili.
The more na ipagsawawalang bahala natin ang pagba-budget
ay the more chances na palaging abandonado ang ating pitaka.
Huwag nating alisin sa ating sistema ang budgeting.
Poor or no budgeting only leads to poverty.
HUWAG PADALOS-DALOS
Tested and proven na maraming nagsisisi pagkatapos gumastos
nang wala sa plano, wala sa budget, wala sa lugar.
One of the worst decisions to make is to buy impulsively.
Kaya para maiwasan ang magsisi sa huli,
mag-isip ng ilang beses kung kinakailangan.
Tanungin ang sarili bago bumili, tulad ng…
“Kailangan ko ba ito ngayon?”
“Anong purpose at bibilhin ko ito?”
“Napaglaanan ko ba ng budget?”
“Hindi na ba talaga pwedeng ipagpaliban?”
Sa madalas na paggastos natin nang padalos-dalos,
hindi rin nakapagtataka na almost everyday
ay wala ng laman ang ating mga pitaka.
Kaya bago pa maubos ang pera this week,
magplano, mag-budget at disiplinahin ang sarili
nang sa gayon ay hindi natin magagawang mag-excuse kay Boss…
Kung minsan, yung wallet natin parang ganito,
Me: “Boss hindi po ako makakapasok.”
Also me: “Masama po kasi ang pakiramdam ng pitaka ko, wala na pong laman.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Magkano ang nagagastos mo sa isang araw?
- Madalas ka bang nauubusan ng budget?
- Ano ang pwede mong gawin upang hindi maubusan ang laman ng pitaka mo?
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.