Single Blog

Pera O Bayong

MAS MAGANDA NA KONTI LANG KITA PERO HONEST KA KAYSA MALAKI KUMITA PERO MANDARAYA

Kadalasan ang basehan natin ng pagiging successful ng isang tao ay ang kanyang kayamanan.

Kapag nakabili ng magandang sasakyan, successful yun.
Kapag nakatira sa malaking bahay, successful yun.
Kapag nakakapag-travel sa kung saan saan, successful yun.

And yes, we can assume that they are successful financially dahil afford nila ang mga ganung bagay. Pero is success just all about the money?

Para sa akin, hindi. Dahil ang magde-determine ng TRUE SUCCESS is CHARACTER.

PAANO MO SIYA NAKAMIT

Bago makabili ng mga mamahaling bagay ang isang tao, may PINAGDAANAN muna siyang proseso para ma-reach ang fund na kailangan niya.

That person worked hard for it eight hours a day, five to six days per week. Ito ba ay kanyang pinagpaguran o ito ay kanyang inutang?

Kung ikaw naman ay nasa sales industry. Nakamit mo ba yung top position mo sa tamang pamamaraan o nag violate ka ng company policy para makuha mo lang yung recognition?

Ikaw ba ay may naapakan na mga tao o may mga natulungan kang mga tao on your way to get what you want.

Having the RIGHT CHARACTER during the journey to success is crucial.

Whenever we work, hindi tayo dapat nagfo-focus lang sa result which is the money. Let???s remember that we need to have the right mentality in order to reach TRUE SUCCESS in life.

At kung nakamit mo na ang gusto mo, ang sunod na tanong ay..

ANO ANG NAGING RESULTA

I really believe that money does not change people’s character but it only REVEALS them.

May ibang tao na nung nag-uumpisa pa lang, napakagalang sa lahat ng kasamahan sa trabaho. Pero nung nagkapera na, naku naging MAGULANG na! Ginugulangan ang mga tao gamit yung nakamit na yaman para lalong yumaman.

For me kahit na gaano pa karami ang pera mo sa bangko, pitaka o bulsa, pero wala ka nang naitabi na magandang pag-uugali, balewala ang success na iyong nakamit. Kasi most of the time, this kind of success is SHORT-LIVED.

For example, isa ka ng successful business owner. Dahil masyado kang naka-focus sa PERA, iniisip mo na din na ibulsa ang commission ng mga nagtatrabaho for you. And we all know na sooner or later, lalabas din ang maling gawain mo. At kapag nangyari yun, mawawasak ang INTEGRITY mo.

Then eventually, your workers will NOT TRUST you at mawawalan ka na ng mga magtatrabaho for you. Syempre ang resulta, mauubos na din ang iyong kayamanan.

That???s why I want you to remember this: Character is important for you to move towards success. And it is also important even after being successful for you to be able to STAY in that success.

THINK. REFLECT. APPLY.

Do you value character more than money?
O nalilimutan mo na itong i-value because of money?
What are your ways to maintain good character?

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link