Lahat naman tayo may mga aspirations sa buhay. Lahat din tayo nakararanas ng mga pagsubok sa buhay. Pero maliban kay Lord, may mga tao rin sa paligid natin ang tumutulong sa atin.
Kaya naman ngayong kapaskuhan, huwag natin silang kalimutang pasalamatan. “No man is an island” nga daw, kaya lagi nating isipin that we are blessed to have these people around us.
PARTNER AND FAMILY
Maaaring partner in life or partners in business, either of the two, we have to make a very strong relationship with them.
Syempre hindi rin naman mawawala ang ating pamilya, magulang at mga kapatid. Pwedeng blood related or group of people na tinuturing na nating kapamilya. Lahat din sila, deserve nila maramdaman na mahalaga sila.
So this holiday season, it’s the best time to thank them and appreciate all their efforts and share back the blessings to them.
CO-WORKERS AND WORKERS
Kung kayo ay employees, syempre may mga katrabaho rin kayo na lagi n’yong nalalapitan at tumutulong sa inyo. Kung ikaw naman ay isang entrepreneur, may mga tao rin sa paligid mo na tumutulong sa ‘yo para maging successful ang business.
Kaya sila rin ay pasalamatan natin. We can also share our success to them because success is more meaningful when we share it with others.
Parang ang lungkot kung tayo lang ang masaya sa success natin. I think, hindi na rin success ang matatawag dun kung wala tayong kasama sa tagumpay natin.
SUPPORTERS AND FRIENDS
Syempre hindi rin mawawala dito ang ating mga kaibigan at ang supporters natin.
On my part, lagi ko ring ipinapagpasalamat ang lahat ng mga supporters ko and followers ko. Kayo ang isa sa mga inspirasyon ko kung bakit nakakapagsulat ako ng mga libro, blogs at nakakagawa ng vlogs.
Nandyan din ang mga kaibigan natin na walang sawang nagtitiwala sa ating kakayahan at nagbibigay ng mga magagandang payo upang ang ating mga desisyon sa buhay ay mas maging malinaw at makatarungan.
Kaya this new year…
“Let’s not forget to say “Thank you” to these people because they always help us make things simple.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
-
Sinu-sino ang mga taong gusto mong pasalamatan?
-
Anu-ano ang mga naitulong nila sa iyo?
-
Paano mo sila mapasasalamatan?
Sali na sa “JUAN NEGOSYANTE: Negosyo Now! Asenso Later!” Online course and learn how to build your business from scratch. Ito pa, may ONE YEAR ACCESS pa!
Check it here to learn more: https://lddy.no/8varf
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and pro tomos.
Facebook page: Chinkee Tan
YouTube channel: Chink Positive
Instagram: @ChinkeeTan
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.