Marami siguro sa inyo mga Ka-Chink ang gustong makahanap ng love life ngayong 2020 o kaya naman gusto nang lumagay sa tahimik at magpakasal.
Pero alam naman natin na ang pagpasok sa relasyon at ang pagpapakasal ay dalawa sa pinakamahalagang milestones ng buhay natin kaya naman kailangan itong pag-isipan nang husto.
Narito ang ilan sa mga maaari ninyong pagnilayan para sa malaking desisyon na gagawin ninyo.
WAKE UP EACH MORNING WITH THIS PERSON
“S’ya ang taong gusto kong makasama araw-araw”
“Kasama ko laging kumain hanggang sa pagtanda.”
“Kasama kong abutin ang aming pangarap.”
Isipin mo na s’ya ang gusto mong makasama sa pagtulog at sa paggising sa susunod na araw. Sa kanya ka rin magkukwento ng mga nangyari sa buong araw mo.
You will be faithful to this person for the rest of your life. Masarap isipin na talagang handa ka at alam mo na tama ang magiging desisyon mo. You will also
ARGUE AND LAUGH WITH THIS PERSON FOR THE REST OF YOUR LIFE
“S’ya ang gusto kong pasayahin bawat araw.”
“Makikinig ako sa mga opinyon n’ya.”
“Bubuo kami ng masayang pamilya.”
Handa ka bang makinig sa mga jokes n’ya kahit hindi nakatatawa? O kaya naman kumain ng luto n’ya kahit hindi masarap? Lol!
Syempre wala namang perpektong pagsasama pero dapat alam mo rin na s’ya yung taong mapagkakatiwalaan mo dahil naniniwala kang hindi ka rin n’ya iiwan.
SHARE YOUR RETIREMENT
“Kasama kong manood at matulog sa sinehan” Lol!
“S’ya rin ang kasama kong mamasyal sa iba’t ibang lugar.”
“Aalagaan ko at sasamahan ko hanggang sa pagtanda.”
Kapag nagplano naman tayo hindi naman pwede na may number of years lang ang pagsasama. Ang gugustuhin natin ay yung talagang makakasama natin hanggang sa huling tibok ng ating puso.
Kaya naman
“When you chose to settle down with someone,
dapat alam mo ang ibig sabihin ng ‘Walang Iwanan’.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Gaano mo kakilala ang taong mahal mo?
- Paano ninyo bubuohin ang pangarap ninyong pamilya?
- Nakakapag-ipon din ba kayo para sa inyong retirement?
————————————————————————————————-
RETIRE YOUNG AND LEARN HOW TO INVEST: Invest and do the right thing.
Enroll now sa aking online course HOW TO RETIRE BEFORE 50.
Click here to learn more: https://lddy.no/8vaq
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.