Mapagpatol ka ba sa lahat ng bagay?
Or may kilala kang mapagpatol?
Kaunting sanggi lang, natamaan lang,
naunahan lang sa kalsada, akala mo
laging may gera at ayaw magpaawat?
“Bumaba ka dito para makita mo sino kinakalaban mo!”
“Natapakan mo ako, tatapakan din kita para quits!”
“Oy miss may basurahan dito oh, mahiya ka naman!”
“Ano ba yang suot niya parang kulang sa tela??”
Laging “MEMA” as in
MEMA-sabi lang sa kapwa.
Hindi naman sila inaano o
maaaring hindi naman sinasadya nung tao
pero mag-e-effort silang punahin, lapitan,
awayin, sigawan, o pagsabihan yung tao.
And because we live in a digital world,
kadalasan, sa Facebook o Instagram na natin
ito matatagpuan sa pamamagitan ng BASHING.
Yan ang tinatawag nating PATOLA.
Mapag-PATOL sa lahat ng bagay.
Here are some reasons why:
WE WANT TO FEEL SUPERIOR patola
(Photo from this Link)
Minsan masarap sa pakiramdam
yung feeling natin nakakaangat tayo sa iba.
Since we feel that way,
Mas lumalakas ang loob natin na
punahin sila, feeling natin, kayang kaya natin sila.
Lalo pa kung sa internet lang ang labanan.
Iniisip natin na, “Hindi naman n’ya ko kilala.”
O kaya “Eh sino ba s’ya, as if namang magagantihan n’ya ako.”
WE FEEL WE NEED TO TEACH THEM A LESSON patola
(Photo from this Link)
Tingin natin kailangan nila ng lecture at wake up call
dahil hindi maganda yung ginawa nila sa atin or
hindi katanggap-tanggap in general:
- Hindi sila maayos manamit
- Yung basura kung saan saan tinatapon
- Inaapi yung paborito nating artista sa IG
Kaya eto tayo ngayon, to the rescue!
“Ate, baka mapulmunya ka sa suot mo ah.”
“Oops, nakita ko yun, tapon mo naman sa basurahan.”
“Hindi maganda yang pangba-bash mo ah!”
Kasi hindi nagma-match yung ginagawa nila
sa sarili nating beliefs and characteristics.
In short, hindi tayo parehas, kaya kailangan
nilang maging tulad natin.
Wala naman masama pagsabihan ang kapwa
pero siguraduhin nating nasa lugar din tayo at
siguraduhin nating…
HINDI TAYO NAKASASAKIT NG DAMDAMIN patola
(Photo from this Link)
Iba kasi yung nagmamalasakit
sa gusto lang ng away.
Iba yung gusto natin mag-correct ng mali
Sa gusto lang gumawa ng eksena at mapansin.
Treat them like a friend — may concern at
may pagrespeto pa rin sa kanila
para the conversation will create a positive mood
and would not turn into some telenovela fight.
(If you know what I mean. Haha!)
Relax lang.
Huwag kaagad highblood especially
kung hindi naman natin alam ang storya behind
at kung hindi naman natin kakilala talaga yung tao.
“Ang taong mapagpatol ay magreresulta lang sa away.
Kung may kailangan sabihin, siguraduhing may respeto at nasa lugar.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anong instances yung lagi mong pinapatulan?
- Dala ba ito ng concern o gusto lang magpapansin?
- Paano mo sila kakausapin ng hindi nakasasakit?
====================================================
WHAT’S NEW?
DIGITAL MONEYKIT @P2,499
For more details, click here: http://bit.ly/2K6QLZZ
UPCOMING SEMINAR:
“RETIRE BEFORE THE AGE OF 50: An FB Live Seminar” @P499 (Discounted rate)
To reserve your slots, go to http://bit.ly/2v5Pg8U
=====================================================
NEW VIDEO
“PURPOSE OF PUTTING YOUR MONEY IN A BANK”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2OT4jvR
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.