Uy! Merry Christmas uli sa inyo mga Ka-Chink!
Kamusta naman ang inyong pasko?
“Hmm, okay lang.”
“Normal day.”
“Hay nako kakainis!”
“Masayang masaya!”
Kung hindi naman masyado okay,
Bakit naman?
Meron ka bang kagalit?
Hindi kayo in good terms ng
Kaibigan, kapatid, o kamag-anak o
may nangyaring hindi maganda?
Sorry about that.
Pero sana, ngayong Pasko at
darating na bagong taon
sana isantabi na natin ang lahat ng
hinanakit at mga nakaraan para
maganda ang pasok ng 2018.
KUNG IKAW MAN AY NILOKO….
(Photo from this Link)
Niloko man pagdating sa pera,
relasyon, o trabaho,
tandaan na hindi kailanman nagwawagi
ang taong nanloloko.
Oo nakakainis.
Oo, maaaring nagtagumpay sila.
Pero, hindi ito magtatagal.
Sooner or later, lalabas din
ang katotohanan o di kaya’y
may balik ang kanilang nagawa
sa mga taong kanilang nasaktan.
KUNG IKAW MAN AY INIWAN…
(Photo from this Link)
Iniwan ng kasintahan, asawa, o
ng mahal sa buhay…
Tandaan na kaya sila nawawala o
umaalis sa buhay natin dahil
sadyang kailangan lang ito mangyari
at may darating na mas
karapat dapat para sa atin.
Hindi naman porket iniwan tayo
ibig sabihin ay end of the world na.
Okay lang umiyak, magdamdam, o
sumama ang loob.
Pero dapat mas nananaig ang
pag LOOK FORWARD natin sa
mga susunod na araw at sa
BAGONG TAO na darating sa buhay natin.
KUNG IKAW MAN AY HINDI NAGTAGUMPAY…
(Photo from this Link)
Hindi pa…
- Nakuha ang pinakahihintay na promotion
- Natapos ang pagbabayad ng utang
- Kumita ang business na binuksan o
- Nakakabawi sa pagkalugi
Tandaan na HINDI PA HULI ANG LAHAT!
Napakadami nating chances para
bumangon at sumubok muli.
Huwag mawalan ng pag-asa.
Fight lang ng fight!
“Salubungin ang bagong taon na may tibay ng loob at puno ng pagasa.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang mga napagdaanan mo na hindi mo makalilimutan?
- Ano naman ang mga lessons na natutunan mo?
- Anong nilu-look forward mo sa 2018?
=====================================================
HALF YOURSELF A MERRY LITTLE CHRISTMAS
All books and Moneykit at 50% off til January 2 (12mn)
To avail this promo go to: http://bit.ly/2Cg7eeE
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“MONITORING THE LEGIT STOCKS”
Click here to watch➡➡➡https://youtu.be/TLnJrcfjQww
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.