Naranasan mo na ba maghanda nung birthday mo
pero pagdating ng bisita, diretso sa food table?
O kung hindi man, magha-happy birthday lang
tapos iba na ang kakausapin?
Walang pumapansin na
para bang hindi ka nila nakita o
hindi ka importante?
“Grabe naman sila!”
“Hay nako kakainis!”
O ‘di ba, sakit sa bangs kapag
may ganitong mga eksena?
Parang ‘sounds familiar’ na ito.
Tuwing kailan?
‘PAG PASKO!
Nagce-celebrate tayo, party dito party doon.
Busy tayo sa pamimili ng regalo para sa ibang tao at
isipin kung anong makukuha natin.
Tuloy, nakakalimutan na natin
ang pinaka dahilan ng pasko.
Regalo ba?
Mga bagong damit, sapatos, at gadget?
Out of town or trips abroad?
Hindi po.
Ang tunay ng dahilan ay wala ng iba kundi…
SI HESUS!
(Photo from this Link)
Nakapagtataka lang yung iba noh, kapag babati…
Merry X-mas, Friend!
X? Bakit X?
Para na rin nating inekisan ang pangalan ni CHRIST.
Hindi gano’n.
Siya ang BIDA!
Siya ang STAR!
Be proud of it!
Say…Merry CHRISTmas with pride!
Huwag natin Siya kalimutan.
Huwag daan-daanan ang Celebrant!
Magagandang regalo, masasarap na pagkain,
tawanan at kwentuhan with family and friends…
Lahat iyan okay pero walang saysay kung wala
ang presence ng Panginoon.
PRESENCE NOT PRESENTS
(Photo from this Link)
“Panyo lang nakuha ko!”
“Boring ng party, sana di na ‘ko pumunta.”
“Hay nako, abot kamay na yung grand prize eh!”
Kahit ano pa ang karanasan natin
ngayong Christmas season
matutong makuntento at magpasalamat
sa bawat bagay na natatanggap
at mga nakakasama.
Pero ang pinaka importante,
huwag maging malungkot o ma-badtrip
dahil dapat, presence pa lang Niya
dapat solb na solb na at
huwag na maghangad ng iba pa.
“Jesus is the Reason for this Season”
THINK. REFLECT. APPLY.
- Sino ang bida ng pasko mo?
- Paano mo ito ise-celebrate?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“POINTERS FOR BUSINESS IN A VILLAGE OR SUBDIVISION ”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2BmhY7l
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
Season 1 Episode 3: ” Travel Now, Pulubi Later”
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.