HAPPY HAPPY NEW YEAR KAPATID!
Ahh grabe, I’m so energized!
I’m so pumped up!
First day of the year na!
Bagong taon!
Panibagong pagkakataon para
magsimula at gawin ang mga
pangarap natin o mga goal na
hindi natin naabot last year.
Game ka na ba?
Ready ka na ba?
I hope you are.
New year, means new HOPE.
Kalimutan na ang nakaraan, instead
pagtuunan ng pansin ang NGAYON.
Ano ang pasabog mo?
“FINALLY, MAKAKAIPON NA AKO!!”
(Photo from this Link)
Kung noon, gusto mo lang makaipon.
Kung noon, hanggang sabi-sabi lang.
This time, totoong totoo na!
This is it, ika nga!
Ang iyong pasabog…
MAKAKAIPON NA!
Para makamit ito, mas magiging disiplinado
at responsable ka na sa paghawak ng pera.
Meron ka ng alkansya o bank account
kung saan itatago ang pera.
Iiwas ka na sa mga mall o pagkain-kain sa labas.
Na-realize mo kasing mas tipid at praktikal magbaon.
Alam mo na ngayon ang
kinaibahan ng NEED sa WANT.
“MABABAYARAN KO NA ANG UTANG KO.”
(Photo from this Link)
Ilang buwan o taon ng lubog sa utang.
Dumating na sa point na nadepress na
dahil hindi alam kung papaano makakaahon.
Pero ngayong 2018, ang iyong pasabog…
MAKAKABAYAD NA!
Kung hindi umubra ang dating sistema,
ngayon, susubok naman ng ibang paraan
na hindi pa nagagawa.
- Hahanap ng additional source of income
- Ibebenta yung valuables na hindi naman ginagamit
- Magbabawas ng gastusin
- Iba-budget ng maayos ang kita
“MAGIGING MABAIT NA AKO”
(Photo from this Link)
Mainitin ang ulo.
Masakit magsalita.
Laging galit at aburido.
Puno ng negativity sa katawan.
Iyan, ganyan ganyan tayo last year!
Akala mo laging may kaaway!
Pero this year, ang iyong pasabog…
POSITIBO AT MABAIT SA KAPWA!
Kahit na hindi maganda ang araw o
may mga pinagdadaanan,
lagi na nating iisipin na dapat manaig
ang respeto sa kapwa.
Susubukan natin laging may:
“Thank you”
“Salamat”
“Please”
“Sorry” o
“Excuse me” sa ating bokabularyo.
Sasanayin natin na laging tumulong sa kapwa.
Willing magbigay ng payo.
Hindi na magiging makasarili.
Iilan lamang ito sa mga pasabog
na pwede nating gawin.
Pasabog para mas maging
makabuluhan ang taon na ito.
So now, I’d like you to…
“Chink about this: Ano ang pasabog mo ngayong 2018?”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang pasabog mo ngayon?
- Paano mo ito gagawin?
=====================================================
HALF YOURSELF A MERRY LITTLE CHRISTMAS
All books and Moneykit at 50% off til January 2 (12mn)
To avail this promo go to: http://bit.ly/2Cg7eeE
=====================================================
#IPONPAMORE: Hit your Financial Goal this 2018!
January 20, 2018
1:30-6:00 pm
Victory Greenhills Center, 4F VMall Shopping Center
P500 with FREE book
Register here: https://chinkshop.com/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.