“Iyan, na-promote? Haha comedy ah!”
“Alam mo ba yang si _____, lubog na daw sa utang yan eh!”
“Di naman magaling yan, bakit siya napili?”
Isa ka bang PETMALU sa PANINIRA sa iyong kapwa? Paano ba malalaman?
Na-promote ang ka-opisina pero imbis na matuwa,
nilapitan ang lahat ng pwedeng lapitan
para ikalat na hindi naman siya deserving sa posisyon.
Naimbitahan sa kasal (o party),
pinakain at binigyan pa ng souvenir
pero habang papauwi, walang tigil ang bibig
sa kalalait sa venue, kesho ‘di masarap ang pagkain,
‘di maganda ang gown ng bride, o yung theme ng kasal.
Nakabili na ng bahay ang kaibigan o kamag-anak,
pero imbis na “I’m happy for you.”
ang sasabihin, “Utang lang naman ‘yan.”
Bakit kaya may mga taong
hindi na lang maging masaya
para sa achievements ng iba?
This is what makes them happy
so dapat bilang kaibigan o kamag-anak,
maging masaya na lang din tayo sa kanila.
para in return, maging masaya din sila sa atin.
Bakit ba may mga taong PETMALU sa PANINIRA?
INSECURE
(Photo from this Link)
Ang paninira is one way para
feel nilang angat sila temporarily.
Gigisahin nila ng lait at ido-down ng sobra sobra ang kapwa
to cover up their insecurities kasi naabot na ng iba
ang hindi pa nila naabot.
OUT OF BOREDOM
(Photo from this Link)
Naranasan n’yo na ba yung wala na kayong
mapag-usapan ng inyong mga kaibigan
kaya ibang tao na lang ang pinag-uusapan n’yo?
Wala eh. Napagkwentuhan na natin ang lahat.
Kaya para hindi nakakainip and to make things
more interesting, mag-i-insert tayo ng ‘new characters’.
TO GET ATTENTION
(Photo from this Link)
Since ang spotlight ay nasa ibang tao,
heto tayo ngayon gagawa ng paraan para
malipat ang atensyon sa atin.
Para bang: “Uy nandito ako, hello!”
Lahat gagawin para lang mapansin.
‘Di bale ng nakasasakit o out of the line
basta malipat lang ang limelight.
“Matutong maging masaya para sa iba at huwag maging PETMALU sa paninira sa kapwa.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Bakit ka naninira ng kapwa?
- O may kilala ka bang naninira?
- How can you be happy for them?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE:
“ ULTIMATE GUIDE TO GET OUT OF DEBT”
Click here to watch➡➡➡https://youtu.be/XD7yThwkbig
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
Season 1 Episode 3: ” Travel Now, Pulubi Later”
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT PACKAGE
1 Moneykit + 8 Books
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.