May kilala ka bang PETMALU sa PANGUNGUTANG?
Yun bang sa sobrang lupit eh parang humahawig na
sa adobe sa sobrang— *sorry for the word*, kapal?
PAANO BA MALALAMAN NA PETMALU NA SA PANGUNGUTANG?
Sila yung hindi naman kayo close,
ang tagal tagal niyo na hindi nag-uusap
biglang mag te-text or magse-send ng PM
para mangamusta ‘kuno’,
yun pala may hidden agenda.
Sila yung pinahiram mo na, tinulungan mo na
sa abot ng iyong makakaya, nung singilan time na,
hindi mo mahagilap, ni ha ni ho wala.
Halatang halatang pinagtataguan tayo.
Sila yung nakahiram na noon, inulit pa ngayon
hanggang sa naging habit na nila
na para bang akala mo ay may patago.
Demanding pa ah!
Yan…
Sila yung mga matatawag nating
PETMALU sa pangungutang.
Hindi naman yung pangungutang
ang issue dito, it’s how people face it.
Magtatago?
Magpaparamdam lang pag may kailangan?
Umaabuso?
Yun ang mali.
Bakit kaya may mga ganito?
WALANG PAMBAYAD
(Photo from this Link)
May mga taong nagtatago simply because
wala silang pambabayad sa atin.
Kaya mas pinipili nilang makipaglaro ng hide and seek.
You’ll notice this kapag:
- Bin-lock na tayo sa Facebook.
- Laging cannot be reached ang cellphone.
- Pag magre-reply, ang sagot: “Wala akong nare-receive.”
- Kung puntahan sa bahay, laging “Wala siya dito” ang sagot ng mga tao.
INSENSITIVE
(Photo from this Link)
Minsan, may mga taong nangungutang
para ipambili ng bagong gamit, pambayad sa iba nilang
pinagkakautangan, o kinapos sa budget.
Para makamit ito, gagawin nila ang LAHAT,
no matter what it takes.
Lahat meaning kahit:
- Di naman ka-close, hihiram.
- Alam na nangangailangan din tayo, magde-demand pa.
- Magagalit pa kapag hindi napagbigyan.
Kaya kahit makasakit,
kahit kapalmuks na ang dating,
wala silang pakialam.
PARA MAGYABANG
(Photo from this Link)
- Bibili ng bagong gadget, sabay #blessed sa FB.
- Travel travel para makasabay sa trip ng iba.
- Hihiram para may mai-post sa social media.
Gusto kasi nila makipagsabayan sa iba.
Ang malungkot lang dito, wala naman sa budget
kaya ending, patong patong na utang,
makapagyabang lang.
“Matutong magbayad ON TIME para hindi PETMALU sa pangungutang.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- May kilala ka bang PETMALU sa pangungutang?
- Saan kaya nila ginagamit ito?
- Paano mo sila matutulungan?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“PRACTICAL WAYS TO STOP LIVING IN FEAR”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2j7VBe7
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
Season 1 Episode 3: ” Travel Now, Pulubi Later”
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT PACKAGE
1 Moneykit + 8 Books
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.