Pakiramdam mo ba ‘di ka na kinakausap ng iyong misis? ‘Di ka actually sure kung bakit kayo nagtalo at sa tingin mo rin naman lilipas na lang ito.
Well… baka naman!
Baka ‘di mo na naman pinansin ang mga pasimpleng paramdam niya sa ‘yo.
In this blog, I will share with you the 3 simple ways that will make your wife happy! Panalo ito mga mister!!! Hahaha!
NEVER STOP COURTING HER
Nung nililigawan mo s’ya, halos baliktarin mo ang mundo para lang masundo s’ya. Halos lahat binibili mo para mapasaya siya. Bakit ngayon nahinto na? Wala nang budget?
Ayan na naman ang pera. Hindi naman kailangan mamahalin palagi, kahit sa simpleng pagtulong sa gawaing bahay o kaya words of affirmation ang ibigay mo.
Mahalaga ay maparamdam mo bawat araw na mahal mo s’ya, na maganda s’ya palagi sa paningin mo, o kaya sinusuportahan mo s’ya sa mga magpapasaya sa kanya.
ALWAYS MAKE HER FEEL SECURED
Hindi yung laging naka-focus ka sa phone mo kalalaro, o kaya naman subsob na sa trabaho na hindi mo na halos napapansin na may bagong damit na pala ang asawa mo.
Kahit sa mga simpleng kwentuhan ninyo, kailangan din ay nakikinig tayo sa mga kwento nila. Kung kumusta ang naging araw mo at ang araw niya.
Baka may mga kailangan din ang iyong asawa na hindi naman kailangan pang hingin pa o ipagpaalam pa. Kaya naman mas magiging masaya si misis if you
GIVE HER MONTHLY ALLOWANCE
Yes na yes mga mister! Panalo talaga yun!
Syempre alam kong lagi kong sinasabi na mahalaga ang pagbabadyet at dapat unahin ang needs bago ang wants.
Pero minsan hindi lang naman ito wants eh. ‘Di ba mas masaya rin na kapag uwi ni misis galing sa parlor, ang ganda n’ya? Haha wow yun ‘di ba?
Kumbaga, mahalaga rin na pahalagahan nila ang kanilang sarili at hindi lang lagi puro pamilya ang inaalagaan nila. Dapat maramdaman din niya na every day, maganda s’ya at mahal mo s’ya.
“Lagi natin bigyang halaga ang ating misis at huwag hayaang sila ay mapuno sa pagtitiis.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga sweet moves mo para kay misis?
- Paano mo pinaparamdam bawat araw ang iyong pagmamahal kay misis?
- Magkano ang nakalaan na budget para kay misis?
Watch this video:
5 Wishes Ng Mga Misis Na Pwedeng Gawin Ni Mister
https://www.youtube.com/watch?v=3dJSkruhrJA
**HAPPY WIFE HAPPY LIFE LIVE SEMINAR FOR ONLY P799** Click here https://lddy.no/8vdd
IN THIS EVENT YOU WILL LEARN
- About the wrong ideas (myths) about marriage and how to bust them. Replace the myths with truths.
- To have a better and healthier communication between you and your spouse.
- To improve intimacy by understanding what intimacy truly means.
- The role of money in marriage; how to have the right attitude towards finances.
- Learn how your relationship can blossom by knowing and speaking the love language of your spouse.
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.