Trabaho, Trabaho, Trabaho..
Iyan na lang ang laging laman ng
ating bokabularyo.
Eh papaano ba naman
ang dami natin obligasyon
hindi pwedeng papetiks-petiks lang
or else, matatabunan at
mapag-iiwanan tayo.
Pero sa sobrang kabusy-han
naiisip pa kaya natin ang ating pamilya?
Nabibigyan pa kaya natin sila ng SAPAT NA ORAS
na kanilang kailangan?
Ang ibig ko sabihin eh yung oras
para makagawa tayo ng alaala
kasama nila.
Sa tagal nating nakababad sa opisina,
maaring ang iba sa atin ay
hindi na nagagawa ito.
Baka nga pagkagising — ligo, kain, alis na.
Pag dating naman, kain, ligo, tulog na lang.
Hindi man lang natin sila nakakausap
o kinakamusta man lang.
“Nag-uusap naman kami.”
Usap ba talaga na may lalim o
nakinig lang kunyare pero wala ang focus?
Here’s how to create more memories:
GO TO CHURCH T-O-G-E-T-H-E-R
(Photo from this Link)
Hindi solo, hindi isang anak lang ang kasama,
hindi lang asawa, kundi lahat sama-sama.
Ito yung best way to bond with them.
All of us will serve the Lord as a family.
We will abide in Him as a family.
and we will be blessed as a family.
Wala na atang mas higit pang bonding dito
dahil this is our time to thank the Lord
for all the blessings we have received this week.
- Yung financial provision.
- Accomplished tasks.
- Walang nagkasakit sa pamilya.
Lahat ng iyon, sabay sabay nating
ipagpasalamat .
Honor Him before anything else.
KUMAIN NG WALANG GADGET NA HAWAK
(Photo from this Link)
Napapansin ko ngayon sa iba
parang hindi na tayo halos nag-uusap-usap
sa hapag kainan mapa bahay o restaurant man.
Lahat nakahawak sa cellphone.
Pa swipe-swipe sa news feed ng ibang tao.
Eh buti pa nga buhay ng iba may pakialam tayo
pero bakit hindi natin magawa sa atin?
Pagkakuha ng picture,
bitawan na natin at mag-usap ng
harap-harapan.
“Kamusta ang pag-aaral n’yo?”
“Anong bago sa inyo this week?”
“Nagkaproblema ba kayo?
Iba pa din yung nakikita at nararamdaman natin
ang emosyon sa bawat estorya.
Yung walang distractions, all eyes and ears
sa mga nagsasalita.
MAMASYAL O MANATILI SA BAHAY
(Photo from this Link)
Buong linggo lahat tayo ay pagod
sa trabaho at eskwelahan.
Everyone deserves a break na kung saan
wala tayong ibang pagkaka-abalahan at siyempre,
gusto naman natin mapahinga at makapag-enjoy man lang.
Ayain ang pamilya mamasyal, manuod ng sine,
kumain sa labas, o kaya maglaro sa arcade.
O kung wala naman sa budget, wala naman problema,
pwede naman sa bahay maglaro ng board games,
magluto together, o kaya mag-movie marathon.
Wala dapat tayong sinasayang na oras na makapiling sila.
Dahil kapag hindi natin sila pinansin,
sooner or later, sila na mismo ang lalayo sa atin.
Huwag hayaang mas close pa sila sa mga kaibigan.
Dapat bago pa man sila sa iba tumakbo,
pamilya muna ang first choice na
gusto nilang i-spend ang oras nila.
“Higit sa Salapi at Pera, Mag-ipon din tayo ng mga Magagandang Alaala kasama ang Pamilya.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Nagbibigay ka ba ng oras sa iyong pamilya?
- Kung hindi, bakit naman?
- Anong bonding ang pwede n’yo gawin para mapalapit lalo sa isa’t isa?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: https://chinkshop.com/products/my-ipon-diary
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://shop.chinkeetan.com/product/diary-of-a-pulubi/
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“5 SIGNS IF A PERSON IS GOING TO BE POOR”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2sWGDzC
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2DB80TO
=====================================================
UPCOMING SEMINAR
“Happy Wife, Happy Life LIVE STREAMING”
Registration: P950 per couple
March 10, 2018
With ONE MONTH Free Access and FREE Book
REGISTER HERE: http://bit.ly/2ovAfKo
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.