May kilala ba kayong palaasa?
Lahat na lang ng bagay iniasa sa atin
tulad ng pambayad sa kuryente, tubig,
pamalengke, as in lahat, wala silang pinapalagpas?
Hanggat makakahingi,
‘di sila titigil?
Sila yung tinatawag nating: PALAASA
Madaming dahilan sa totoo lang.
Pwede kasing, namihasa, nasanay,
laging napagbibigyan, o laging
may nasasandalan sa oras ng kagipitan.
Habang tumatagal, mas nagiging
kampante sila na sa kahit anong oras,
meron at merong sasalo sa kanila.
Ang mahirap lang dito,
tatanda na silang ganito.
Hanggat nandito tayo at pinagbibigyan sila,
malakas ang loob nila.
Kaya para hindi umabot sa ganito,
instead of being all out to them,
pwede natin silang tulungan sa ibang paraan.
Paano?
PANGARALAN AT PAGSABIHAN palaasa
(Photo from this Link)
Eh baka naman kaya hindi sila natututo
kasi walang nagsasabi sa kanila na
yung ginagawa nila ay hindi na maganda.
Imbis na pagsabihan, tayo pa yung
natatarantang magbigay sa kanila.
“Ay sige sige magtransfer ako sa ‘yo now na”
“Okay ako na bahala sa ‘yo”
“Ito na, kunin mo na ito”
Hindi dapat ganon, friend.
Kailangan natin ipaintindi sa kanila
na hindi naman sa nagdadamot tayo,
pero ayaw lang natin silang tumandang
laging nakasandal, dahil kapag nawala
tayo, sila din ang kawawa bandang huli.
Tutulong tayo pero sa ibang paraan.
TEACH THEM HOW TO FISH palaasa
(Photo from this Link)
Sabi nga sa isang common saying,
“Give a man a fish and you feed him for a day.
Teach a man to fish and you feed him for a lifetime.”
Totoo naman ‘di ba?
Kapag binigay lang natin ng binigay ang
kanilang kagustuhan, they just live at the present.
Kung anong maibigay natin, hanggang doon lang sila.
While if we teach them kung paano magkaroon ng
kita ng dirediretso, then hindi sila kakapusin
at hindi na nila kailangang umasa pa.
Halimbawa turuan natin sila kung:
- Saang website pwede mag apply ng online job?
- Paano magtayo ng negosyo?
- Anong kumpanya ang may opening?
There are many ways on how we can help them
learn how to fish. Let’s try para naman masimulan na nila.
LET THEM LEARN THEIR LESSON palaasa
(Photo from this Link)
Hindi naman natin intensyong pahirapan sila
kundi turuan lang for them to realize
na hindi sila dapat masanay.
How?
Tanggihan natin.
Kapag naputulan ng tubig o kuryente,
hayaan at tiisin muna natin.
Kasi ang dating, tayo rin ang nagtuturo sa kanila
na maging palaasa dahil lagi silang pinagbibigyan.
The lessons will make them think na:
“Ay kami rin pala ang mahihirapan”
“Ang hirap pala kapag nakaasa parati”
“Ayoko na maulit ito”
And hoping na from there, they will
understand the value of hardwork.
Na hindi lahat nadadaan sa hingi.
Na lahat pala dapat pinaghihirapan
kung gusto umasenso at guminhawa ang buhay.
“Huwag natin silang sanayin na mabuhay sa ASA.
Turuan natin silang gumawa ng paraan at tumayo sa sarili nilang mga paa.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Sino yung laging umaasa sa iyo?
- Paano mo ito hina-handle? Do you give in or tumatanggi ka?
- How can you teach them how to fish?
====================================================
WHAT’S NEW?
MY BADYET DIARY (NEW BOOK) for 150+100 sf
To order, go to http://bit.ly/2NUkSqi
Also available in BULK ORDERS
BUSINESS IN A BOX: Process before Profit Online Coaching
@4,999 (instead of P9,999)
To register, go to: http://bit.ly/2QgtB6H
FREE 30-day replay
CHINKTV (ONLINE COURSE) for P799
How to Retire at 50
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
To register, go to http://bit.ly/2PCd7Xi
ONE YEAR Access!
ONLINE SEMINAR: SECRETS OF CHINOYPRENEURS
Click here to reserve your slots: https://bit.ly/2xLy3Uw
=====================================================
NEW VIDEO
“GUSTO MO BA MAGPA MENTOR SA AKIN?”
Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2CXZ4Z4
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.