Alam mo ba na may mga kailangan tayong iwasan
upang tayo ay hindi matulad sa kanila? Ito ang ilan sa
mga pag-uugali na alam nating hindi maganda ang
maidudulot sa ating buhay.
Maaaring alam natin ngunit minsan ay kailangan
tayo paalalahanan para magising at magkaroon ng
bagong pananaw sa buhay.
Dahil kung hindi natin ito mababago at mapagpatuloy
natin ang pakikisama sa mga ganitong tao, naku
siguradong mahahawa tayo o makukuha natin ang
negativity. Kaya simulan natin ito.
Iwasan ang mga taong may
NEGATIVE HABITS
Ito yung mga taong mahilig mag procrastinate o magsabi
na mamaya na lang. “Matagal pa naman ang deadline
n’yan”. O kaya naman ay: “Bukas na lang, may lakad
lang ako.”
Kung lagi nating nakakasama ang mga ganitong tao,
hindi maiiwasan na maging katulad natin sila dahil
nawawalan na rin tayo ng drive na gawin ang mga
kailangan nating gawin.
Kaya kung mapapansin natin na nagiging katulad na natin
sila, simulan nating bumalik sa goal natin. Tulungan din
natin sila na magkaroon ng goal sa buhay.
Hindi lamang tayo makakaiwas sa cramming, mababawasan
din natin ang stress na maaaring maidulot nito sa trabaho
o kaya naman sa group work.
Pumili ng mga taong may magandang habits sa buhay at
hindi puro masarap ang alam na gawin, dahil sa huli
mare-realize na lang natin na wala na rin tayong narating
katulad nila.
Isa rin sa kailangan nating iwasan ay ang mga taong may
NEGATIVE ENERGY
Ito yung mga taong puro reklamo na lang ang bukambibig.
Yung tipong pagkatapos natin silang kausap ay ang bigat-
bigat ng pakiramdam dahil yung energy natin ay parang
nahigop na rin nila.
Ito yung mga taong maaaring nalugi, nagkamali o nasaktan
kaya naman para sa kanila hindi rin magagawa ng ibang
tao ang kanilang sinubukan.
Pakiramdam nila ay alam na alam na nila ang mga nangyari
at hindi na ito mababago. Kaya puro discouragement
ang ating maririnig na salita sa kanila.
Sa umaga pa lang pag nakita na natin, parang puno na
ng problema ang buhay nila at hindi rin marunong ngumiti.
Kaya subukan na lamang natin silang batiin.
Baka kailangan lang din ng konting positive vibes sa
kanila. Pero kung nababaliktad na at tayo na ang nagiging
katulad nila, kailangan lagi nating protektahan ang ating
isipan para maging maayos din ang ating araw.
Higit sa lahat, iwasan ang mga taong may
NEGATIVE CHARACTER
Ito yung mga taong nag-cheat, walang integrity, no loyalty
in short, hindi natin maasahan ang ganitong tao dahil
alam nating hindi rin sila makatutulong sa atin.
Maaga pa lang iwasan na natin ang mga ito dahil sila
ang mga taong mahilig mangako ngunit hindi rin nila
natutupad dahil nasanay na silang gumawa na lang ng
excuses sa ibang mga tao.
Huwag na tayong magpabiktima sa ibang mga tao dahil
hindi lamang sarili natin ang maaapektuhan kapag
makatulad natin sila kundi pati na rin ang iyong pamilya.
Maliban dito, iba ang pananaw nila sa pera. Hindi nag-iipon,
hindi nagba-badyet, maraming utang, hindi alam kung
paano hawakan ang pera, kaya sa huli, walang pera.
Kung may kilala kang ganito o kung ikaw ito, ito na ang
unang hakbang para masimulan mo ang pagbabago sa
iyong sarili at makaalis sa kahirapan.
“Hindi ibig sabihin na pinanganak kang mahirap
ay habang buhay ka na lang magiging mahirap;
Kailangan lamang ay simulan mong kumilos
at iwasan ang mga ‘di nararapat na ugali at kilos.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
Anu-ano ang mga gawain na alam mong dapat mong baguhin?
Paano mo nababago ang negative energy na nakukuha mo?
Sinu-sino ang mga taong mabuti ang impluwensya sa iyo?
——————————————————————
A PROVEN and TESTED GUIDE to help you navigate and start your savings journey.
Kaya naman we are launching the Ipon Pa More Kit to help you become a better Iponaryo. Meron ka nang Ipon Kit, meron kapang one year access to my mentoring course sa ChinkTV.
Available in Digital for only 899 instead of 1,098 (Ipon Kit Digital + IponPaMore Online Course)
Click here to order: https://lddy.no/8wsr
For Online Course only at 799 click here: Click here: https://lddy.no/8wsq
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.