Naranasan mo na bang may nakialam
sa buhay mo, desisyon, o kinikilos?
“Bakit dun ka bumili, panget dun.”
“Yang mga ganyang lalaki naku po, lolokohin ka lang niyan!”
“Nag-resign ka? Ano papakain mo sa pamilya mo niyan?”
“Eh kasalanan mo ‘yan, ‘di ka nakinig eh.”
May mga tao talagang walang preno.
Hindi na nila ma-differentiate ang
pagsa-SUGGEST sa panghi-HIMASOK
‘Pag ang desisyon natin ay hindi
naaayon sa kanilang kagustuhan,
sila pa itong galit na para bang
ang laki ng kasalanan natin.
Hindi naman tama yu’n.
Ang suggestion, suggestion lang.
Walang personalan kung
iba ang gusto nilang gawin.
Kanya kanya, ika nga.
Bakit nga ba may mga taong PAKIALAMERA?
INSECURE
(Photo from this Link)
Yung mga gusto nila gawin,
ikaw ang nakagawa at
yu’n ang kinaiinisan nila.
Hangga’t maaari, pipigilan ka nilang
maisakatuparan ito.
Ikaw nakapag-submit na ng resignation,
siya stuck sa boss na masakit magsalita.
Ikaw nakabili na ng bagong bahay pero
siya madami pa rin utang kaya hindi makapundar.
Ikaw nakahanap na ng iyong forever,
siya malamig pa din ang mga pasko at valentines.
Lahat gagawin huwag lang matuloy.
WALANG MAGAWA
(Photo from this Link)
Alam niyo yung feeling na nga-nga lang?
Walang ginagawa kaya kung anu-ano
ang pumapasok sa isip?
Para bang:
“Nakakainip, iisipin ko na lang buhay ng iba..”
“Sino naman kaya pwede ko pakialaman today?”
“Paano ko kaya s’ya mako-convince?”
Gano’n talaga eh, kapag walang ginagawa,
pati pang-u-usi sa kapwa gagawin.
Ito lang kasi yung paraan nila para masabing
‘productive’ ang kanilang araw.
Nako, hindi productive ang tawag doon.
Tawag dun… ‘aksaya’ sa oras.
Ang productive, yung may output na
makabuluhan in return.
Ang pakikialam ba ay makabuluhan?
I don’t think so.
DAPAT “QUITS”
(Photo from this Link)
“May utang ako, dapat siya din.”
“Wala akong lovelife, dapat siya din.”
“Magulo ang relationship ko, dapat siya din.”
Ayaw nila mapag-iwanan.
Gusto nila pantay lang kayo.
Ayaw nila yung may nakaaangat na sa kanila.
Ito lang ah…
Kung:
- Anong desisyon ang piliin, suportahan lang natin.
- May achievement sila, be happy lang.
- Kung hindi nila sinunod ang payo natin, respect it.
May kanya-kanya tayong strategy
sa bawat sitwasyon.
Kaya learn to listen lang.
Mag-suggest kung kailangan lang at
huwag maging PAKIALAMERA.
“Matutong pumreno sa sasabihin. Huwag ipilit ng ipilit.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ba yung nakikialam o siya?
- Bakit mo ito ginagawa?
- Paano mo maipapakita ang suporta at respeto sa kapwa?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“BUSINESS IDEAS FOR TEACHERS ”
Click here to watch➡➡➡ https://youtu.be/xYqaMPeiESY
=====================================================
UPCOMING SEMINAR
#IponPaMore: Hit Your Financial Goal This 2018!
January 20, 2018
Victory Greenhills Center
A. INDIVIDUAL TICKET: P500 http://bit.ly/2CwGbbv
B. FAMILY PACK: 4+1 Ticket Free/ P2,000 http://bit.ly/2CMfZxV
C. BARKADA PACK: 7+3 Tickets Free/ P3,500 http://bit.ly/2CGn821
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.