Narinig n’yo na ba yung linyang:
“…and they lived happily ever after”?
Common ito sa mga fairy tales, ‘di ba?
Pero totoo nga ba ito?
Na pagkatapos ng kasal, ay all
sunshine and rainbows?
Para sa akin hindi.
Minsan kasi akala natin na after ng kasal,
parating honeymoon stage— no, hindi po.
Simula pa lang ng madami pang bagay
na pwedeng mangyari sa ating mag-asawa.
At kaya naman madaming naghihiwalay at hindi nagkakaunawaan
kasi we ALWAYS expect na:
“Akala ko ba masaya may asawa?”
“Mali yata ako ng napasukan.”
Yes, may mga pagsubok pero masaya
kapag sabay nating nalabanan at nalampasan ang
lahat ng problema na darating sa ating marriage.
Parang isang bundok ‘yan na aakyatin muna ng sabay,
bago nating masabi na “WE DID IT”.
We need to understand the REALITIES of being married.
Anu-ano nga ba ito?
HINDI ITO BED OF ROSES
(Photo from this Link)
Hindi laging masaya, kumportable,
nakakikilig, at may ngiti sa mga mata at labi.
Napakarami nating pagdadaanan bilang mag-asawa.
Nandiyan ang usapang pera, anak, trabaho, ipon,
biyenan, oras, lahat pwede natin pagtalunan
because what one does affects the other in all aspects.
It is a process.
It will take years of adjustments.
Ganyan kahirap pero ganoon din kasarap
when both are working through the process.
MAG-IIBA NA ANG PRIORITIES NATIN
(Photo from this Link)
Kung noon, isang sutsot lang ng barkada, go na kaagad,
ngayon siyempre hindi na.
Kung noon, lahat ng sweldo natin sa magulang napupunta,
ngayon kay misis na.
Kung noon, umuuwi tayo kung kailan natin gusto,
ngayon may oras na.
Kung noon, wala tayong tigil sa pamimili ng damit at sapatos,
ngayon, kailangan na magpaalam.
Kapag ginawa natin ‘yang mga ‘yan,
na feeling binata at dalaga pa rin kahit may asawa na,
tiyak, gera na ‘yan lalo na kapag hindi
napapag-usapan ang issue.
Ang buhay natin ngayon ay hindi na tungkol sa
“ME, MYSELF, and I”,
it’s about “WE” and “OUR” the moment we say, “I DO”.
TEMPTATION IS EVERYWHERE!
(Photo from this Link)
Sa dami ng lalaki at babae sa mundong ito
once we get married, we need to stick with ONE PERSON
for the rest of our lives — for better or for worse.
Iyan ang utos sa atin ng Panginoon.
Magkaro’n man ng pagsubok,
mag-iba o tumanda man ang itsura ni mister o misis,
nag-iba man ang ugali nito,
NEVER as in NEVER consider replacing them
as our first and only option.
Hindi porket may kulang o
may hindi tayo napagkakasunduan
eh ibig sabihin, hahanap at titingin na kaagad sa iba.
Ayusin muna and do everything to make it work.
Be contented.
Marriage MUST be PERMANENT.
For more HAPPY WIFE, HAPPY LIFE TIPS, register sa aking Virtual Workshop.
Click here now to know more: https://chinkeetan.com/hwhl
“Ang pagsasama ng mag-asawa ay hindi laging masaya.
Kadalasan, kailangan pa muna natin dumaan sa pagsubok at makalabas sa problema ng magkasama.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang hindi n’yo mapagkasunduang mag-asawa?
- Paano n’yo ito sinosolusyunan?
- Willing ba kayong ayusin ito?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off +2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“MAGKANO DAPAT ANG KITA BAGO MAG-IPON”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2qu57vD
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.