Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

Hindi Sukatan ng Isang Pagkakaibigan ang Pagpapautang

March 12, 2018 By Chinkee Tan

pagpapautang

Para sa atin,

ano nga ba ang sukatan ng pagkakaibigan?

Ito ba yung:

  • Dadamayan tayo parati sa oras ng kagipitan?
  • Papautangin tayo kung kailan natin gusto?
  • O yung hindi nagbibilangan ng utang?

 

Eh paano kung hindi nila ito nagampanan,

puputulin na din ba natin ang ating pagkakaibigan?

 

“Nakaluluwag luwag naman siya, siya pa itong madamot.”

“Hindi ko pwede ituring kaibigan ang walang awa.”

“Yoko na, solian na ng kandila, ‘di ako pinautang man lang.”

 

Kung ganito na rin lang ang basis natin ng pagkakaibigan

kung pera pera lang ang ating gusto,

malamang, hindi talaga tayo seryoso

dahil obviously, may hidden agenda tayo.

 

Wala namang masama humingi ng tulong sa iba

pero sana din kung hindi nila tayo mapagbigyan

huwag naman sana tayong bitter ocampo.

 

Instead, kailangan natin maintindihan na…

 

Table of Contents

Toggle
  • HINDI NILA TAYO OBLIGASYON
  • SILA AY MAY PANGANGAILANGAN DIN pagkakaibigan
  • HINDI PERA ANG SUKATAN NG PAGKAKAIBIGAN
  • THINK. REFLECT. APPLY.
  • CHINKEE TAN UPDATE:
  • BOOKS
    • IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
    • DIARY OF A PULUBI
  • NEW VIDEO ON YOUTUBE
  • MONEYKIT

HINDI NILA TAYO OBLIGASYON

pagkakaibigan

(Photo from this Link)

Bakit tayo pa ang galit?

Bakit tayo pa ang may lakas ng loob mainis

kapag hindi nila tayo pinautang?

 

May patago ba tayo para mag-demand

ng ganon-ganon na lang?

Wala naman ‘di ba?

Tayo ay nakikiusap lamang.

Huwag tayo mag-feeling na pananagutan nila tayo.

 

SILA AY MAY PANGANGAILANGAN DIN pagkakaibigan

pagkakaibigan

(Photo from this Link)

Tulad natin, meron din silang mga bagay

na kailangang unahin bago tayo.

 

Kumakain din sila.

May mga bills din silang babayaran.

May mga pinag-aaral din sila.

At may pinagkakagastusan din sila.

 

Ang pera nila, hindi naman ‘yan naka tengga lang

na naghihintay na may humiram.

Ginagamit din nila ito.

 

Kung sabihin nilang:

“Pasensya ka na ah, sakto lang eh.”

“Uy sorry, may pag gagamitan kasi ako.”

 

Intindihin natin ito at respituhin.

Huwag nating ipilit ang gusto natin o

pagdudahan sila dahil lang sa hindi tayo napagbigyan.

 

“Sus, maniwala akong walang pera ‘yan.”

“Ayaw lang niya maglabas. ‘Kala mo naman hindi babayaran.”

 

Ay ‘wag naman pong gano’n.

Kung anong sinabi, iyon ang paniwalaan.

Totoo man o hindi, wala tayong karapatang magreklamo.

 

HINDI PERA ANG SUKATAN NG PAGKAKAIBIGAN

pagkakaibigan

(Photo from this Link)

Parati kong sinasabi na hindi laging pera

ang paraan ng pagtulong.

 

Kung tayo man ay nagigipit

pwede naman tayo humingi ng tulong

na hindi pera ang hinihingi o hinihiram.

 

Magpatulong paano:

  • Mag-ipon at mag-budget
  • Magsimula ng garage sale para kumita
  • Maghanap ng trabaho baka may kakilala sila

 

Iyan ang tunay na pagkakaibigan.

Hindi nililimitahan ang samahan sa pera lamang.

 

“Hindi sukatan ng isang pagkakaibigan ang pagpapautang

kaya huwag magtampo kapag hindi napagbigyan.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ano ang pagkakaibigan para sa iyo? Pera o higit pa dito?
  • Anong gagawin mo kung hindi ka napautang? Magtatampo o iintindihin?
  • Anong tulong ang pwede mong hingin maliban sa pera?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off P750

20 “My Ipon Diary” 50% off P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

 

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  + 2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREE P3,000

Click here: http://bit.ly/2F3GwHa

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“SANA…”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2p2xD7A

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: Friendship, Relationship Tagged With: Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.