Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

ANG PAG-AASAWA AY HINDI PAGALINGAN

December 4, 2018 By Chinkee Tan

pagalinganPAGALINGAN

Minsan na ba kayong nagsumbatan
ni Mister o Misis?

Nag-away dahil isa sa inyo o
kayong dalawa ayaw n’yo parehas magpatalo?

“Yan LANG sweldo mo?”
“AKO nagpapasok ng malaking pera dito!”
“Huwag mo ako pakialaman, walang kang ambag!”

Ay ang harsh naman.
Bakit naman ganito natin sila pagsalitaan?

Eh kung pera na rin lang ang issue or
makikipagpaligsahan lang pala tayo
at makikipagmataasan dapat
ang pinakasalan pala natin ay manlalaro sa Olympics
para may valid reason ang ating pakikipagkumpitensya.

Hindi kasi ganito ang tamang pakikitungo
sa ating mga asawa.

Niligawan natin sila at pinakasalan
para mahalin at alagaan at hindi para kalabanin.

Kung patuloy natin itong gagawin,
panigurado manlalamig ang relasyon
at hindi malayong mauwi sa hiwalayan
kasi hindi na sila nakararamdam ng importansya.

Panay sisi na lang.
Tandaan na sa mag-asawa:

Table of Contents

Toggle
  • DAPAT PATAS LANG ANG TINGIN SA ISA’T ISA  PAGALINGAN
  • DAPAT LAGI TAYONG MAGKAKAMPI SA LAHAT NG BAGAY PAGALINGAN
  • DAPAT LAGI NATING SISIKAPING MAGKABATI PAGALINGAN
  • THINK. REFLECT. APPLY.
  • WHAT’S NEW?
  • NEW VIDEO 
  • CHINKEE TAN SHOP

DAPAT PATAS LANG ANG TINGIN SA ISA’T ISA  PAGALINGAN

pagalingan(Photo from this link)

One team tayo na kahit ano
pa ang dumating na unos,

walang makapagpapatumba dahil
sa matibay nating pundasyon.

Kung magiging makasarili tayo
at tingin natin sa kanila ay kalaban,
tayo mismo ang sumisira sa relasyon.

Kung mas kumikita tayo kaysa sa kanila,
tandaan na hindi natin pera iyon, kundi pera NATIN.

Kung mas mataas ang posisyon natin,
tandaan na hindi natin tagumpay iyon, kundi tagumpay NATIN.

Kung tayo lang ang nagtatrabaho, sila busy sa bahay,
tandaan na hindi lang tayo ang nahihirapan, SILA RIN.

It’s a team effort kasi.
Yung hirap natin, hirap din nila.

At ang tagumpay natin, tagumpay din nila.
Sa panahong ito, wala na yung AKO.
Dapat laging “TAYO” sa bawat nangyayari sa buhay natin.

DAPAT LAGI TAYONG MAGKAKAMPI SA LAHAT NG BAGAY PAGALINGAN

pagalingan(Photo from this link)

Ang pag-aasawa, hindi ‘yan sisihan at turuan.
Meron kasi iba sa atin, kapag may mali ang isa,
ididiin pa ng ididiin hanggang sa mawala na ng gana yung isa.

“Yan, dahil sa ’yo nalugi yung negosyo natin!”
“Ikaw kasi ‘yan tuloy parehas tayong walang trabaho!”
“Eh papano nagpaloko ka dun sa kaibigan mo!”

Given the fact na yung isa ang nangibabaw
at maaaring may kasalanan, tayo bilang asawa,
hindi natin ipamumukha sa kanila ang kapalpakan.

Instead, we help them na makabangon muli.
Tayo ang mag-e-encourage sa kanila para
hindi nila maramdamang wala ng pag-asa.

Sabi ko nga, magkakampi tayo sa lahat ng bagay.
Isip tayo ng paraan kung paano
makakapagtulungan nang sa gayon,
walang mapapag-iwanan.

DAPAT LAGI NATING SISIKAPING MAGKABATI PAGALINGAN

pagalingan(Photo from this link)

Given na yun, may kasalanan ang isa.
But I pray that we always choose to forgive

kahit gaano pa kabigat ang kasalanan.

Kahit hindi tayo ang may kasalanan,
baka naman pwedeng tayo ang magsorry
kapag humupa na at nahimasmasan.

Hindi naman natin ito gagawin
dahil tayo ang may kasalanan.
Ang pakikipagbati, senyales lang ito na mas
matimbang ang ating mister at misis kaysa
sa issue na pinag-aawayan.

Masakit.
Mahirap.

Pero kailangang sikaping magkaayos.

Mag-usap ng mahinahon
at pigilang magsabi ng masasakit na salita

para makaisip kaagad ng solusyon
at maibalik sa dati ang sigla ng relasyon.

“Ang pag-aasawa ay hindi pasiklaban, pagalingan, at sisihan.
Tandaan na ang hirap natin ay hirap din nila.
At ang tagumpay natin ay tagumpay din nila.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Kayo ba ay patas, magkakampi, at nagsisikap ng magkaayos kaagad?
  • Anong ginagawa mo kapag may mali ang isa?
  • Paano kayo makakapagtulungan sa mga ganitong pagkakataon?

    ====================================================

    WHAT’S NEW?

    DIARY SERIES Buy 1 Take 1
    450 + 100 shipping fee (for limited time only)
    To order, go to http://bit.ly/2Qot2vv

    BAGONG TAON, BAGONG BUHAY Buy 1 Take 1
    399 (Early Bird Rate, for limited time only)
    To register, go to http://bit.ly/2P8kmEM

    MY BADYET DIARY (NEW BOOK) for 150+100 sf
    Also available in BULK ORDERS
    To order, go to http://bit.ly/2NUkSqi

    CHINKTV (ONLINE COURSE) for P799
    How to Retire at 50
    Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
    Secrets of Chinoypreneurs
    To register, go to http://bit.ly/2PCd7Xi

    ONE YEAR Access!

    =====================================================

    NEW VIDEO 

    “Where we can earn the most: Stock vs. Real Estate?”
    Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2Q0hKOF

    =====================================================

    CHINKEE TAN SHOP

    Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
    Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
    Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
    Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit

    Other products: chinkshop.com

Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: Family, Family Finance, Goals, Gratitude, Inspirational, Marriage, Marriage and Money, PAG-AASAWA, pagalingan, Personal Development, Relationship Tagged With: Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.