Naging isang paasa ka na ba noon?
Nangako pero hindi ito tinupad?
May sinabi ka ba na gagawin tapos iniwan lang sa ere?
“Promise sa katapusan babayaran kita.”
“Hinding-hindi ko na uulitin yun, itaga mo sa bato.”
Kahit gaano pa ka-emote ang delivery ng mga linya natin…
No matter how much we want to make them feel better by telling these things…
Mababalewala lang ito kung hindi naman mangyayari ang sinasabi natin.
Ayaw man natin aminin pero…
Sarili lang natin ang niloloko natin.
Tao lang, totoo yan.
Pero sana huwag tayong maging paasa diba?
How do we avoid it?
HONOR YOUR WORD
(Photo from this Link)
Say what you mean and mean what you say.
Huwag tayo padalos-dalos.
Self-check kung kinakailangan.
“Kaya ko ba talagang gawin?”
“Sinasabi ko lang ba para gumaan ang loob niya?”
Because if we only say this for the sake of and without sincerity…
Di malayong maputol natin ang ating pangako sa kanila.
Pag-isipan natin ito.
THINK ABOUT THEIR FEELINGS
(Photo from this Link)
Parang ganito lang yan, akala natin:
- Ice cream, yun pala isda ang nasa loob ng lalagyan.
- Walang traffic, yun pala bumper to bumper.
- Babalikan tayo dahil sweet sila sa text, yun pala as friends lang.
… diba masakit? Bakit? Kasi umasa tayo!
Same thing, kapag paasa ang game natin, ending, MASASAKTAN SILA.
Isipin natin mabuti kung ano ang epekto nito.
Better yet…
Balikan ang mapait na nakaraan nung tayo ang biktima ng paasa before saying anything.
MAKE AN EFFORT
(Photo from this Link)
If we think we can do what we promised
Eh di mag-effort tayo.
Para manatiling buo ang tiwala nila sa atin.
Walang masasaktan.
Kung nangakong:
- Magbabayad, mag-laan ng maiaabot sa katapusan.
- Hindi na male-late sa opisina, i-adjust ang oras ng pag-alis sa bahay.
- Titigil na sa bisyo, iiwas sa temptation.
“Huwag hayaang MAPAKO ang PANGAKO!”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- May mga napaasa ka na ba?
- Bakit hindi mo ito natupad?
- Anong gagawin mo para hindi na maulit?
=================================================
WHAT’S NEW ON YOUTUBE:
“How to Succeed in a Farm Business”
Click here to watch➡➡ ➡ http://bit.ly/2xPvFgh
=================================================
NEW BOOK ALERT:
“Diary of a Pulubi”
Buy 1 Take 1 for a limited time only!
P150.00 (+50 Metro Manila; +100 Provincial)
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yApHxA
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.