Kapag nakatira na ako sa aking dream house.
Kapag nabili ko na yung gusto kong sasakyan.
Kapag nabayaran ko na ang aking mga utang.
Kapag wala na akong pinoproblema sa pera.
Kapag nakatira na ako sa Maginhawa Street sa may QC.
Naalala ko tuloy noong ako ay bata pa at wala pa kaming aircon sa bahay. Sobrang pasasalamat ko sa ginhawa na binibigay ng isang lumang electric fan dahil sa init ng panahon. Noong nakatikim na ng lamig ng hangin na nanggaling sa isang mahiwagang box na tinatawag natin na ???aircon.???
Nagbago na ang pananaw ko sa salitang ginhawa. Mas giginhawa ang pakiramdam ko kung ako ay makakatulog sa isang kwarto na may aircon. Maginhawa naman ako dati kahit walang aircon pero noong na-experience ko na ito, nagbago na aking pananaw sa salitang ginhawa.
Well, we all have our own metrics ??of ginhawa.
Allow me to share with you a different perspective of ginhawa.
Para sa isang tao na walang naramdaman na sakit dahil sa sakit niyang cancer, yan ang ginhawa.
Para sa isang taong nakatulog ng mahimbing dahil may insomnia, yan ang ginhawa.
Para sa isang taong nabayaran ang kanyang pagkakautang, yan ang ginhawa.
Para sa isang taong pinatawad sa kanyang mga nagawang kasalanan, yan ang ginhawa.
Kung makikita mo kapatid, ang ginhawa ay hindi lang nasusukat sa dami ng iyong salapi at kung ano ang kaya mong bilhin.
Ito ay nasusukat kung ikaw ba ay may kapayapaan sa iyong puso.
Aanhin mo ang iyong kayamanan kung wala ka naman kapayapaan sa buhay. Hindi ba???t mas maganda na may kayamanan ka na at may kapayapaan ka pa!
So sa susunod ng mga araw, gusto ko sana pagisipan mo mabuti.
Pagnilay- nilayan mo kung ano ba ang tunay na kahulugan ng ginhawa sa iyong buhay.
Minsan nasa harap mo na pala ang iyong hinahanap hindi mo pa ito makita.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw ano naman ang version mo para masabi mo ikaw ay maginhawa?
Titignan pa ba natin yung mga bagay na wala tayo?
O matuto tayong makuntento at magpasalamat kung ano man meron tayo
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you find inspiration from this article? Here are some other related posts:
- Kuntento o Kampante? Difference between Contentment and Complacency in Your Financial Status
- Greed Versus Contentment
- Getting Comfortable?
====================================================================
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
https://chinkshop.com/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.