Single Blog

Paano Maging Independent-Minded?

KUNG KAKAPIT KA LANG KAY LORD KA NA KUMAPIT

Minsan ba, nahihirapan kang mag-decide para sa sarili mo?
Maski simpleng bagay ay kinukunsulta mo pa sa ibang taong nakapaligid sayo? Kulang ka ba sa self-confidence?
Hindi ka ba makapag-decide kapag walang go signal ng iba?

People who are so dependent on others may not be able to develop confidence in themselves dahil hindi nila nakikilala at hindi sila naniniwala sa kanilang mga sarili.

If you are going through this stage in life, let me encourage you.
Never allow other people to run your life.
Never allow other people to dictate what you want in life.

But the question you might ask is, “Paano nga ba maging independent-minded?”

LEARN TO DECIDE ON YOUR OWN

Okay lang na kumuha ng opinion at counsel ng iba. In fact, this is encouraged para mas maging malawak ang kaalaman mo at mas marami kang magiging option. Pero at the end of the day, ikaw pa rin dapat ang mag-decide – hindi ang ibang tao.

If you feel that you need to have the approval galing sa lahat ng mga nakapaligid sayo, maniwala ka – maguguluhan ka, instead na maliwanagan.

Iba-iba tayo ng pananaw, hindi lahat ng gusto nila ay gusto mo rin at vice versa. Manindigan ka kung ano ang gusto mo!

LEARN HOW TO SAY ‘NO’

Hindi masamang sumang-ayon, pero hindi rin naman masamang magsabi ng hindi – especially if saying ‘YES’ will make you uncomfortable.

“Tara mag-undertime tayo, wala naman si boss.”
HUWAG NA. Mamaya mawalan pa tayo ng trabaho.”

“Tingin ko, mas magandang mangutang ka na lang uli.”
HINDI NA. Maghihigpit na lang ako ng sinturon para maka-ipon.”

Maaring may point sila at okay lang naman na tanggapin mo ang suggestion nila. Pero kung hindi buo ang loob mo, don???t be afraid to decline.

LEARN HOW TO FIX YOUR OWN PROBLEMS

One way to practice how to be independent-minded is learning how to absorb the problem on your own and think of possible solutions first before reaching out to others for help.

Ngayon kasi, kaunting kibot lang – takbo sa magulang, kaibigan, o sa mga taong pwedeng makatulong sayo. I-analyze mo muna ang sitwasyon at isipin mo kung ano ba ang pwede mong gawin to resolve a problem or a dilemma.

Baka kasi sa kakahingi natin ng tulong, hindi na tayo matututo na tumayo sa sarili nating mga paa. Paano kapag mag-isa ka na lang?

LEARN HOW TO DEPEND ON GOD

Huwag kang umasa na laging may tutulong sayo nang sa gayon, if you don???t expect too much, then mate-train mo ang sarili mong gumawa ng paraan sa tuwing may pagdadaanan ka.

Kung may tutulong sayo, well and good.
Kung wala naman, you should still be okay.

Tandaan mo nalang that only God can help you get through it. Siya lang ang pwede mong maasahan, so sa Kanya ka lang kumapit or at least pray that He will lead you to the right person to get by.

THINK. REFLECT. APPLY.

May mga oras ba na nagiging dependent ka na sa iba?

Ano ba ang kaya nilang gawin na hindi mo kaya?

Ano ang mga pwede mong gawin para matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa?

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link