May kilala ba kayong papansin?
Halimbawa:
Kayo lang ni beshie nag-uusap,
biglang may sisingit.
Hindi naman kasali,
bigla na lang susulpot.
Wala naman sa conversation,
gagawa ng eksena.
Iyon ang tinatawag nating
Pa PAMPAM o papansin.
Hindi naman sinasabing ito’y mali o masama,
pero minsan, meron tayong tinatawag na
“Wala sa timing”.
Nagiging awkward tuloy lalo na
kapag seryosong nag-uusap ang dalawang tao
ta’s heto tayo bigla na lang sisingit.
Paano ba natin mapipigilan
ang ating mga sarili?
We need to ask ourselves:
“KASALI BA AKO SA USAPAN?” pa-pampam
(Photo from this link)
Kasali ba tayo or feeling kasali lang?
Kasi kung kasali tayo, una pa lang,
kasama na tayo sa usapan, o maski
dumating tayo sa kalagitnaan,
tayo ay welcome na welcome.
The fact na hindi tayo naimbitahan sa usapan
ibig sabihin may mga bagay na
ayaw nila ipaalam o exclusive
lang sa kanila.
Don’t get mad.
Instead, respect their personal space.
Kung wala naman tayo ginagawang masama
wala tayong dapat ipag-alala.
Huwag tayo maparanoid na
baka tayo na ang pinag-uusapan.
IBA ANG KASALI SA SUMASAGAP LANG NG TSISMIS pa-pampam
(Photo from this link)
Gaya nga ng sabi ko,
kapag kasali, alam natin yu’n in an instant.
Kung hindi naman pero pinipilit natin,
lumalabas na tayo ay nagiging tsismosa na.
“Uy ano pinag-uusapan n’yo?”
“Share naman diyan!”
“Anong bagong balita?”
Nilalapitan lang natin sila
dahil alam natin may mapupulot tayo.
Kaya kahit hindi naman welcome,
magsusumiksik tayo ng bongga,
maka scoop lang ng latest.
Hindi maganda ito friend.
Mejo kapalmuks na tayo
sa paraang ito. Hinay hinay lang and…
LET US TRY TO BE SENSITIVE pa-pampam
(Photo from this link)
Halimbawa na lang ganito ah,
we’re talking with someone,
pwedeng serious, pwedeng hindi,
basta kayo lang.
Tapos biglang may tatapik na lang sa atin
at sasabihing: “Uy ano pinag-uusapan n’yo?”
‘Di ba ang tingin natin sa kanila ay EPAL?
Ganon din tayo.
Let us assess first kung nasa
tamang timing ba tayo para umentra.
Kung hindi naman, huwag natin ipilit.
“Kapag hindi tayo kasali, huwag nating ipilit. Baka kasi sa sobrang papansin natin, mas lalo nila tayong layuan at iwasan.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Minsan ka na bang nagpapansin?
- Bakit? Kasali ba talaga o gusto lang sumagap ng tsismis?
- Paano ka mas magiging sensitive?
====================================================
YEAR-END PANALO SALE
LAHAT NG ITO AY BUY 1 TAKE 1 FROM DEC 15 TO DEC 26!
BOOKS:
✓My Badyet Diary (NEW BOOK)
✓Ipon Kit: Ipon can + Ipon diary + Diary of Pulubi
✓ Ipon Diary
✓Diary of a Pulubi
✓Always Chink
✓For Richer or for Poorer
✓ Happy Wife, Happy Life
✓ How I made my First Million
✓ Keri mo Yan
✓ Raising Up Moneywise Kids
✓ Rich God Poor God
✓ Secrets of the Rich and Successful
✓ Til Debt do us Part
✓ Moneykit + 11books + ipon can free (FREE SHIPPING)Go to shop.chinkeetan.com
CHINKTV (ONLINE COURSE)
Be A Virtual Professional
Benta Benta Pag May Time
Happy Wife, Happy Life
How to Retire at 50
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
Secrets of Chinoypreneurs
To register, go to http://bit.ly/2PCd7Xi
ONE YEAR Access!
====================================================
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.