Nababalisa na dahil pare-pareho na lang ang nakikita mo sa inyong bahay?
Iritable na dahil feeling mo nakakulong ka sa inyong tahanan?
Nawawalan na ng pag-asa dahil hindi mo alam kung hanggang kailan itong krisis?
Kung ganito ang nararamdaman mo, maaaring ikaw ay nakararanas ng cabin fever. This is our body’s reaction towards isolation or being in a place for a long period of time. Ngayon na na-extend ng dalawang linggo ang ating Enhanced Community Quarantine (ECQ), kumusta ka? Kumakapit ka pa ba? Here are some simple ways to overcome cabin fever.
GET UP AND MEDITATE
Alam mo ba kung bakit umpisa pa lang ng araw ay ang baba na agad ng energy mo? Dahil hinayaan mo ang sarili mo na magpagulong-gulong sa kama. Pagkamulat ng mata, hahawakan agad ang phone, at magugulat ka na lang na ilang oras ka nang nagso-scroll ng newsfeed. Nasa kama ka pa lang, hindi pa naka-ready ang isipan mo, na-absorb mo na agad ang lahat ng negativity mula sa social media.
Kaya bago mo pa i-check ang iyong FB, bumangon ka muna at mag-meditate or quiet time. You can pray, you can say what you are grateful for, you can read God’s Word. Feed your soul muna bago you dive into your newsfeed. Encourage yourself first thing in the morning bago ka sumabak sa mundo. If you do this, you would find yourself having a better outlook on life and with this crisis.
FIND A HOBBY
Kung dati ang default mode mo ay work, ngayon naman find time to have a hobby. It will break the monotony of your “as usual” quarantine day. Nakalulungkot talaga kung pare-pareho na lang ang nakikita mo at pare-pareho na lang ang ginagawa mo. So, find something that would excite you. Go online and learn something new. Ngayon na sumobra naman ang time natin on our hands, now is the right opportunity to pursue the thing that you have been putting off for the longest time.
FOLLOW A ROUTINE
Kahit na it is important that you find something that would break the monotony of your day, better pa rin that you give your day a structure. Make a routine and do your best to follow it. A routine is like a map or a guide on how you want your day to turn out. As you follow it, you will have a sense of organization and accomplishment, at ang importante ay you can have the feeling that your day has direction. Even if we are living in uncertain times, it is always better that we train our minds to seek direction. Direction points us to our purpose, and if we are living according to our purpose, kaya natin pagtagumpayan ang krisis na ito. Mayroon tayong rason para kumapit sa Panginoon at ipagpatuloy ang laban ng buhay.
“Mahalaga ang daily routine para mas maging productive at hindi ma-bored sa panahon ngayon.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anong nararamdaman mo ngayong extended ang ECQ?
- Ano ang itsura ng araw mo? Anu-ano ang ginagawa mo?
- Paano mo nilalabanan ang boredom or cabin fever?
————————————–
WATCH THIS:
ANG TOTOONG MAY CONTROL NG MUNDO
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.