Sa buhay natin hindi naman talaga maiiwasan ang stress at mga bagay na talagang magpapainit ng ulo natin. Kaya naman tayo na mismo ang dapat magpakalma sa sarili natin.
Mahirap kasi kapag galit tayo at may masabi tayo sa iba. Minsan hindi na natin ito mababawi kaya sana sa panahon na ito ay makapagnilay tayo at iwasan ang mga ito.
COMPARING WITH OTHERS
“Alam mo parang kang si ____. Hindi rin kita maintindihan.”
“Buti pa nga si ____ mas magaling.”
“Bakit hindi mo gayahin si ____. Ang layo na nang narating.”
Mga KaChink, kapag nasabi na kasi natin ang mga ganitong salita, lalo lang natin nasasaktan ang kanilang damdamin. Kahit sabihin pa natin na yun ang totoo sa pananaw natin.
Hindi gantihan ang solusyon sa isang problema. Kung nasaktan nila tayo, hindi rin naman tama na ibalik natin sa kanila dahil hindi matatapos ang problema kapag ganun.
SAYING BAD WORDS
Ito talaga mga Ka-Chink, never say any bad words to someone. Naku I’m telling you, iba ang effect nito sa atin. Sa image natin at sa buong pagkatao natin.
Saying bad words to someone is like cursing them. Para sa akin kung talagang hindi maayos na tao ang kausap natin, iwasan na lang natin at ipagdasal din natin na protektahan tayo ng Panginoon.
Kasi may mga pagkakataon talaga na mahirap magpigil. Kaya dapat, may paninindigan din tayo para sa sarili natin.
TELLING YOUR CONSTRUCTIVE CRITICISM
Marami na ang gumagamit ng salitang ito. Mga opinyon natin na patungkol sa ibang tao.
Siguro gawin na lang nating simple. Ano ba ang goal o ang purpose mo kung bakit mo ito sasabihin? Alam kong may karapatan at malaya tayo na magbigay ng opinyon sa iba. Ngunit dapat din nating isipin kung ano ang maidudulot nito.
Maganda ba ang intensyon mo o gusto mo lang makisali? Huwag magpadala sa sinasabi ng iba, dahil ang bawat lumalabas na salita mula sa ‘yo ay sumasalamin sa iyong pagkatao.
“Kapag nasabi mo na, mahirap nang bawiin.
Kaya hinay-hinay din sa bugso ng damdamin.”
– Chinkee Tan
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga masasakit na salita ang natanggap mo mula sa ibang tao?
- Paano mo pinipigilan ang iyong damdamin upang makasakit sa iba?
- Sinu-sino ang mga taong makabubuti at maganda ang impluwensya sa iyo?
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.