“Saan nanaman kaya mapupunta ang sweldo ko? Sa bills, utang, pamasahe. Hay”
May mga panahon na nahihirapan tayong maging positibo dahil sa nangyayari sa ating buhay. Challenging naman talagang maniwala pero, promise, maka-ka-ahon din tayo kung pipiliin nating isiping mangyayari ito. Huwag balewalain ang mahiwagang tandem ng tiwala at tamang mindset.
“Paano ako magiging positive kung yung ka-officemate ko, nakakahawa ang ka-negahan! What to do po?“
MAGING MABAIT SA KANILA
(Photo from this Link)
Hindi martir. Mabait at matulungin lang.
Alalayan silang mabawasan ang pagiging negatron sa pamamagitan ng good deeds.
Kahit sa maliliit na bagay lang gaya ng pag-effort ngumiti, o magbigay ng compliment kung karapat-dapat naman talaga.
LOOK FOR GOOD VIBES
(Photo from this Link)
Yes, good vibes doesn’t just happen. Kina-karir din yan. Kaya kung kailangan mong tawagan ang mga friends mo na alam mong ikatutuwa mo, go lang ng go!
CONNECT WITH GOD
(Photo from this Link)
Iba pa rin kapag nananalig tayo sa Panginoon.
Ano man ang pinaniniwalaan mo, ang pagiging spiritual ay nakaka-kalma.
Kapag hindi tayo naka-angkla sa Kanya, maaaring mapundi at manghina tayo.
“If you remain in me and I in you, you will bear much fruit; apart from me you can do nothing.” – John 15:5
Masarap mabuhay lalo na kung walang umaaligid na nega.
“Ang best pangontra sa nega ay kabutihan.”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Do you choose to stay positive?
- Mabilis ka bang maapektuhan ng ka-negahan?
- How do you shield yourself from “not so good” vibes?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.