Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

An Open Letter To Children of OFW

November 12, 2015 By Chinkee Tan

OFW ba ang nanay o tatay mo?
Nahihirapan ka bang tanggapin na wala sila sa piling mo habang ikaw ay lumalaki?
Namimiss mo na ba sila dahil wala sila sa iyong tabi?

Mga anak ng OFW, ako’y namamanhikan sa inyo na basahin ninyo ang maikling blog na ito. Nais ko na kahit papaano ay mabigyan ng linaw kung bakit kinakailangan ng inyong mga magulang na mawalay sa inyo ng panadalian.Magandang isipin na ang ang pamilya ay ang kumpleto sa isang tahanan, kasama sina tatay, nanay at mga anak. Pero sa hirap ng panahon, kinakailangan na ng iba na makipagsapalaran sa ibang bansa, upang may ipangtutustos sa mga gastusin ng pamilya. Malaki nga ang pwedeng kitain, pero meron din itong sukling hindi kanais-nais.

Sa set up na ito ay nagsu-suffer ang mga anak na naiiwan. Hindi lubos na maunawan ng ibang bata kung bakit kumpleto ang pamilya, samantalang sila ay walang tatay o nanay na kapiling.

Ako’y nagpapasalamat ngayon pa lang na bibigyan mo ito ng pansin. Dalangin ko na pagkatapos mo ito mabasa ay ma-appreciate mo ang iyong magulang na nagbubuwis-buhay.

SACRIFICE
Believe me, hindi ginusto ng magulang ninyo ang buhay ng isang OFW sa ibang bansa at iwan kayo sa pangangalaga ng iba. Sila ay nagsakripisyo upang maibigay ang magandang buhay para sa inyo. Hindi nila iniisip kung ano ang pwede nilang maibili para sa kanilang sarili kaya sila nangibang bansa. Ang iniisip nila ay kung paano kayo makakapagtapos ng pag-aaral, kung saan sila kukuha ng pambaon ninyo, kung saan sila kukuha ng pambili ng damit, sapatos, at bag ninyo. You are blessed to have a parent who is willing to sacrifice his or her time na makasama kayo para lamang maibigay ang mga pangangailangan ninyo.

Hindi madali ang mawalay sa mga magulang, pero hindi rin madali ang mawalay sa mga anak. Kung ikaw na anak ay may nakakasama dito na mga kapatid, o isa pang magulang, o mga kamag-anak, o mga kaibigan . . . ang magulang mo na nasa ibang bansa ay malamang nag-iisa o stanger ang mga kasama dun. Hindi niya iyon kakilala o kalahi. Pero tinitiis niya ang lungkot na nararamdaman niya para sa pamilya, para sa iyo. Kaya please naman, huwag ka naman mag-rebelde. Sapat na heartbreak na para sa magulang mo ang hindi niya masubaybayan ang paglaki mo. Huwag mo nang dagdagan ito sa pamamagitan ng pagrerebelde. Please.

SELFLESS
Hindi selfish ang magulang mo na pinili magtrabaho sa ibang bansa. Sinabi ko na kanina pero uulitin ko ulit, para sa iyo ang pagtatrabaho niya sa ibang bansa. Para sa iyo. Kung mag-stay ang magulang mo dito at wala siyang trabaho, okay lang ba sa iyo na hindi ka makapag-aral? Na hindi mo mabili ang mga gusto mo? Na hindi mo magawa ang mga gusto mo? Okay lang ba sa iyo na wala kayong panggastos sa araw araw? Mas okay ba sayo yun?

Hindi ko pino-promote ang less time with the family. Syempre, the best set up pa din yung kumpleto ang pamilya. Pero there are circumstances na hindi ito option. And sa mga pagkakataong iyon, kailangan ng understanding ng mga magulang na nagsakripisyo na manggagaling sa inyong mga anak. Your parent is a selfless person kasi mas iniisip niya ang kapakanan niyong mga anak niya kesa sa kaligayahan niya.

Pwede bang magtanong?
When was the last time that you said “I Love You” to your parents?
When was the last time that you showed your appreciation to them?

THINK. REFLECT. APPLY.

BILANG GANTI, ano naman ang pwede mong gawin para masuklian mo ng pasasalamat ang inyong magulang?
Sa paanong paraan na pwede mong ipadama sa magulang mo ang iyong magmamahal?

–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.

Did this article bring you light and joy? You can also check these related articles about appreciating OFW parents:

  • MAHIRAP MAGING ISANG OFW
  • Bakit Malapit Sa Puso ng mga OFW yung #AlDub
  • How To Improve Parent-Child Relationship: An Open Letter To Parents
Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: Personal Development Tagged With: anak ng OFW, Babalik ka rin, buhay ng isang OFW, buhay ng isang OFW sa ibang bansa, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Famous Speaker in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Keynote Speaker, Motivational Corporate Speaker, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker in the Philippines, Motivational Speaker Philippines, OFW

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.