Happy New Year, mga Ka-Chink! Kumusta ang media noche ninyo? May natira pa ba? Baka naman!
New year na! Sigurado naiisip mo na rin magpaka-‘new you’. Pero syempre, hindi mo naman pwedeng baguhin lahat ngayong new year. Instead of a ‘new you’ mas applicable na gawin itong ‘fresh start’. So, paano nga ba?
REFLECT
Think about all the achievements and milestones you’ve had in the past year. Hindi naman kailangang award-winning ang mga ito. Kasama na pati mga makahulugang bagay na nangyari. Gaya ng pagtigil mo sa mga bisyo, pagdami ng orders sa business mo, at mga masasayang moments mo with your family.
Magpasalamat sa Diyos at i-congratulate mo ang iyong sarili sa lahat ng magandang nangyari sa nakaraang taon.
Itatak natin sa ating isip na ang susunod na taon ay magiging mas masaya at makahulugan.
Part din ng reflection ay ang pagtukoy sa mga mistakes and failures natin. Mahalagang i-acknowledge natin sa ating mga sarili ang ating mga kamalian, magpatawad sa mga taong nasaktan, patawarin ang mga taong nanakit sa atin, at dalhin ang mga lessons na natutunan sa susunod na taon.
REFRESH
Kung may mga hindi magandang habit ka, ito na ulit ang pagkakataon para baguhin ang mga iyon. Slowly let go of those habits and vices.
Refresh yourself beautifully. Magpa-salon ka, bumili ka ng bagong damit at mga gamit. Mag-enroll sa mga workshops, umattend ng seminars. Mag-travel. Ngayon taon, gawin nating goal ang hindi paggastos sa mga bagay na hindi nakatutulong sa pag-unlad natin. Nang sa gayon, magkaroon tayo ng ipon para sa mga bagay na makakapagpa-relax sa atin, at makakapag-improve ng mga sarili nating kaisipan at katawan.
RECOMMIT
Once we are done reflecting our achievements, mistakes, failures, we should then commit ourselves into improving or changing them.
Mag-set ng mga goals ngayon taon. Hindi kailangang goals para sa ibang tao, kundi goals para sa sarili natin mismo.
Also, let us commit ourselves into developing relationships with positive people. Yung mga tao na kapareho natin ng mindset o yung mga tao na may mas mabuting mindset na makatutulong sa atin na maging mas mabuti. Iwasan ang mga toxic at negative na tao ngayong taon!
Maging realistic lang din tayo sa mga goals na gusto nating i-set ngayong taon. Again, hindi kailangang award-winning ang mga ito. Basta makahulugan, magpapasaya, magpapabuti sa atin.
“Let’s have a fresh start this new year. Step-by-step ay gawin nating mas meaningful at worthwhile ang panibagong taon na ipinagkaloob sa atin ng Maykapal.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang mga lessons sa buhay na natutunan sa nagdaang taon?
- Ano ang mga resolutions at goals mo ngayong bagong taon?
- Paano mo maa-achieve ang resolutions at goals mo?
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: Chinkee Tan
YouTube channel: Chink Positive
Instagram: @ChinkeeTan
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.