May desisyon ka bang nagawa na iyong pinagsisihan at pinagbabayaran pa until now?
“Galit na galit ako sa’yo, maghiwalay na tayo!”
“Tambak na tambak na ako ng trabaho, ayoko na, magre-resign na talaga ako!”
“Aalis na ako dito, hindi naman nila nakikita efforts ko!”
“Ako na nga lang gagawa nito maski wala pang go signal ng boss, bahala na. Tagal niya eh.”
Bilang tao, hindi naman talaga nating maiiwasang maging emosyonal since araw-araw ay meron mga bagay na pinagmumulan nito.
Normal lang na ikaw ay magalit, mainis o malungkot.
Pero ito ay nagiging mali, kapag nag-dedesisyon tayo na habang tayo ay nasa kalagitnaan ng EMOTIONS natin.
At ito ay lubusan na sisi pa more dahil sa hindi magandang naidulot nito.
Bakit nga ba hindi tayo dapat nagde-decide habang tayo’y emosyonal?
1. 90% OF THE DECISION IS GOING TO BE WRONG
Believe me, since you are in a very emotional state during at that moment, hindi ka nakaka-pag-isip nang mabuti kaya kahit ano na lang ang maisip mo, at yun lang ang lalabas sayo.
Magtataka ka pa ba? Hindi mo naman ito plano o pinag-isipan, kaya nasaktan mo rin ang mga ibang tao.
2. YOU’LL REGRET IT FOR THE REST OF YOUR LIFE
May mga desisyon na hindi na natin kayang bawiin lalo na kapag final na ang mga ito, yung tipong mahirap na mag U-turn kung baga.
Halimbawa:
- Nakipaghiwalay ka noong mga panahong galit ka ng hindi nyo man lang napag usapan ang problema, yun pala misunderstanding lang.
- Nag-resign ka sa trabaho dahil feeling mo lagi ka tinatambakan ng trabaho, yun pala pagsubok lang iyon para sa isang promotion.
- Hindi mo tinuloy ang pagaaral dahil napangunahan ka ng takot, so ayun hindi ka naka-graduate.Ngayon hirap ka pa makahanap ng trabaho.
Paano mo maibabalik ang kahapon?
Paano mo babawiin ang iyong mga nasabi?
Paano mo aayusin yung nasaktan na damdamin?
3. IT BECOMES A HABIT
Ang isang mali ay madadagdagan pa ng isang pagkakamali kapag naging habit na natin ang mag-padala sa ating emosyon whenever we decide on things.
Sa paanong paraan?
Nagkamali ka na sa una hindi ba? So ikaw, dahil hindi naging maganda ang kinalabasan, magagalit o maiinis ka nanaman at gagawa ng panibagong desisyon para mapagtakpan ito, which brings you back to square one – making a decision based on emotion.
THINK. REFLECT. APPLY
Anong mga maling desisyon ang nagawa mo noong naging emosyonal ka?
Paano ka nakabawi? O nabawi mo ba?
Papaano mo planong baguhin ang sarili mo para hindi na ito maulit?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? You can also look through these related articles on decision making:
- How To Make Wise Decisions
- Are You Having a Hard Time Submitting To Your Husband’s Decision?
- DEALING WITH UNSUPPORTIVE SPOUSE
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.