Bakit nga ba masarap may sariling negosyo?
Eh tayo ang mag-iisip ng lahat, magpapasahod,
tayo ang unang gigising at huling matutulog —
O anong masarap du’n?
Alam n’yo KaChink, wala naman yatang
business owner ang hindi dumaan sa ganito,
kadalasan nga, mas mabibigat pa ang
mga pinagdadaanan para lang umasenso
sa ganitong career.
May nabankrupt, lubog sa utang,
naloko ng business partners, o nalugi
pero pinili pa rin lumaban.
Tignan n’yo naman sina Gokongwei,
Sy, Tan family at iba’t ibang mga taong
naglakas loob na sumabak —
Lahat sila asensado na.
Nagkaroon man ng downs, pero
mas nanaig ang determinasyon, tiwala, at
kagustuhang maging matagumpay ang negosyo,
kaya nakakabangon.
Mahirap pero marami itong advantages.
Anu-ano ito?
YOU ARE YOUR OWN BOSS! negosyo
(Photo from this Link)
Gaya nga ng sinabi ko kanina,
tayo ang mag-iisip ng lahat, tayo ang
magpapasweldo sa sarili natin, tayo ang
may control sa lahat ng gusto nating
mangyari para sa negosyo.
Magkamali man, hindi tayo masisibak! Haha.
We can make our own decisions kung paano
natin gusto patakbuhin ang ating negosyo.
Gusto ba natin slowly but surely?
Or risk high kasi baka sakaling malaki
rin ang balik sa atin?
It’s your call. Walang makikialam.
May partner man tayo, we have a
huge part and contribution in it.
UNLIMITED FINANCIAL REWARDS AND OPPORTUNITIES negosyo
(Photo from this Link)
Basta masipag at may pangarap tayo
para sa sarili nating negosyo, sky is the limit
ang pwede nito marating.
From:
- Tindahan to supermarket
- Online store to pwesto sa mall o bazaars
- Karinderya to your own restaurant
- Bakery to coffee shop
- 2 employees to big company to run the business
Everything is possible!
Walang limitations.
Ang tanging limitasyon lang natin ay
ang takot na nararamdaman habang nagsisimula
pero once na nagamay na natin ito at nakuha ang
tamang timpla at hindi natin napabayaan,
dirediretso na ang sulong nito.
CHANGE OF LIFESTYLE negosyo
(Photo from this Link)
- Gigising ng 4:00 am
- Bi-biyahe ng 3 oras papasok
- Magtatrabaho
- Bi-biyahe uli ng 3 oras pauwi
- Gawaing bahay
- Tulog
May nabasa nga ako na, papasok tayong
sanggol pa lang ang anak natin, pag-uwi natin
teenager na sila.
Nakatatawa pero this is a true story.
Malimit na lang natin makasama ang ating
mga mahal sa buhay dahil lahat ng oras
natin ay nasa biyahe at trabaho na.
If we have our own business, lahat ‘yan mababago
Or at least, makokontrol man lang natin.
- We can choose our own time.
- Pwede tayong tumawag sa clients at the comfort of our homes.
- Lagi tayong present sa school activities ng ating anak.
- We can spend time with our family anytime of the day.
- Kapag pagod, pwede tayo magpahinga for a while.
- Pwede tayo magtrabaho sa kahit anong lugar basta may internet at signal.
…at maraming marami pang ibang benepisyo.
Ang tanong na lang, paano natin ito sisimulan?
At ano ang mga kailangang tandaan at ihanda?
Let me help you on this area.
Sali na sa “JUAN NEGOSYANTE: Negosyo Now! Asenso Later!”
And learn how to build your business from scratch via Live Stream Seminar for an EARLY BIRD RATE of P599 via an Exclusive Facebook Group.
Ito pa, may 30 days REPLAY pa! You can watch it anytime, anywhere!
EARLY BIRD RATE of P599 is until September 7, 2018 ONLY! Hurry!
Click here now: http://bit.ly/2OIy81c to reserve your slots.
Seminar Date:
September 28, 2018 (Friday)
9:00PM (Manila Time)
“Masarap may sariling negosyo kasi hawak mo ang oras at desisyon mo.
Pero bago makapagsimula at umasenso rito, kailangan ikaw ay seryoso, buo ang loob, at desidido.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ba ay may planong magtayo ng sariling negosyo?
- Ito ba ay dahil gusto mo o dahil lang uso?
- Handa ka na ba dumaan sa butas ng karayom para makamit ang tagumpay?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.