Kaka-punch in mo pa lang sa trabaho, inaabangan mo na kaagad kung kelan ka magpa-punch out?
Nakatitig ka lang sa orasan at binibilang ang bawat segundo bago mag-uwian?
Parang semana santa tuwing papasok ka sa opisina pero para kang nanalo sa lotto kapag uwian na?
Kung ganito na ang nararamdaman mo, malaki ang posibilidad na ikaw ay nawawalan na ng gana sa work mo.
Bakit nga ba nakakawalang gana minsan sa ginagawa mo?
DAILY ROUTINE
Totoo namang may tendency na mawalan tayo ng gana sa lahat ng ginagawa natin. Isa dun ay yung daily routine na ginagawa mo. Yun at yun lang din ang mga tao o katrabahong nakikita mo sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Wala nang bago, wala nang variety.
DEMOTIVATION
Yung nawalan ka na ng dahilan para magpatuloy pa sa paggawa. Marahil hindi ka rin nabibigyan ng opportunity na ma-recognize at ma-promote.
DESTRUCTIVE PEOPLE
Yung mga taong wala ng ginawa kung hindi mang intriga at suriin ang buhay mo. They play office politics and power play.
Ang tanong, ano ang gagawin mo kung ikaw ay nawawalan na ng gana?
RENEWAL OF MINDSET
Kung nais mong magpatuloy sa trabaho, kailangan mong baguhin ang iyong mindset o pagtingin sa iyong ginagawa.
Kung dati tingin mo ito ay burden o pahirap sa iyo, tandaan mong ito naman ang maglalayo sa iyo sa kahirapan. Kaya sanayin mo na ring mahalin ito para mahalin ka rin nito pabalik.
Subukan mong magtrabaho habang naka ngiti at siguradong ang dating gawain na inis na inis kang gawin ay matatapos mo na ng masaya. Kapag sinubukan mong isipin na masaya ang iyong trabaho, makikita mo na lang na bawat pagpasok mo ay maluwag sa iyong dibdib.
Sabi nga, choose a job you love, and you will never have to work a day in your life.
Wala naman kasing ikabubuti kung magmamaktol ka tuwing papasok ka sa trabaho. Dagdag wrinkles at puting buhok lang ito. Kaya subukan mo nang gumawa ng may ngiti. Magugulat ka na lang sa mabuting epekto nito sa araw mo.
GO BACK TO YOUR PURPOSE
Lahat tayo ay may kanya-kanyang dahilan sa pagtatrabaho ngunit dahil nakakalimutan natin ang mga goals natin sa buhay, nakakaranas tayo ng boredom hanggang sa tayo ay mag-quit na sa trabaho.
Para maiwasan ang pag-alis sa trabaho, bumalik ka sa purpose mo. Maaaring sa bawat punch in mo isipin mong,
“Nagta-trabaho ako para pang-gatas ni Junior.”
“Nagta-trabaho ako para sa pang-tuition ni bunso.”
“Nagta-trabaho ako para sa ekonomiya.”
Kahit anuman ang dahilan yan kung bakit ka pumapasok, huwag mong kailanman kakalimutan ang iyong purpose at ang iyong goals. Keep your eyes on the prize, ika nga. Lahat ng hardwork mo ay magpe-pay off din.
TAKE A BREAK
Dahil yun at yun lang din ang ginagawa mo sa trabaho, maaaring ikaw ay na-burn out na. Marahil oras na rin para ikaw ay magbakasyon ng sandali.
Maaaring kailangan mong makakita ng ibang tanawin para muling mahanap ang iyong inspirasyon.
Maaaring kailangan mong makahinga ng sariwang hangin para makaalis sa feeling na nakakasakal sa opisina.
Maaaring kailangan mong makaramdam muli ng adrenaline rush para ma-excite ka ulit sa buhay.
Okay lang namang magpahinga dahil may limitasyon naman din ang katawan at utak ng tao. Ngunit magpahinga lang ng sandali, huwag mawili. Kailangang magtrabaho para umunlad.
Kung tayo man ay nakakaranas ng kawalan ng gana sa ating trabaho, gumawa kaagad ng paraan para labanan ito.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw ba ang bored sa trabaho mo ngayon?
Ano ang mga dapat mong gawin na hakbang para labanan ang boredom?
Ano-ano ang iyong motivation sa paggawa?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.