COVID-19 became an unexpected equalizer. It respects no one. It discriminates against no one. Walang arti-artista, walang pulitiko. Lahat pwedeng tamaan nito. Wala siyang sinasanto. This virus has revealed the true colors of our world. Sino ba ang essential sa lipunan? Sino ba ang mapagbigay? Sino ang may compassion? Anu-ano pa ang dapat nating gawin to be better?
This Enhanced Community Quarantine gave me so much time to reflect on life. And here are my personal takeaways.
LIFE
Noong wala pa itong virus, sobrang busy nating lahat para magtrabaho. Marami tayong gustong maabot. Promotion, financial empire, malalaking bahay, mabibilis na kotse, travel around the world. Ngayon na limited na ang ating activities at may threat ng isang disease, maiisip mo na lang na may mas mahahalaga pa pala kaysa sa mga materyal nating mga pangarap. Yung mga dating akala mo ay essential sa buhay, mare-realize mo na lang na kaya mo palang mabuhay kahit wala ang mga iyon.
At dahil rin sa ECQ, natutunan ko na kapag mawala ang lahat ng mga pangarap at mga pinagtrabahuhan natin, ang matitira lang ay ang ating pamilya at ang Diyos. Kaya sana ngayong ECQ, let’s spend more time with our family and with God. Gamitin natin ang oras natin to know them more and to love them more. Dahil sa huli, our relationships are the only ones that matter most.
FAITH
Dahil nga busy tayo sa trabaho, madalas nating nakalilimutan ang ating spiritual life. Masyado tayong nakatuon sa physical life natin at nakalilimutan na nating pasiglahin ang ating kaluluwa. Pero dahil sa virus na ito, ang mga dating nakalilimot manalangin ay bumabalik na sa Diyos. Ang mga busy para mag-pause man lang para kausapin ang Panginoon ay natututo nang manalangin.
Nakita nating lahat na kahit sino pwedeng tamaan ng virus. Dahil dito, na-realize natin na we do not really control our lives dahil maaaring sa isang sakit, bigla na lang itong mawala. COVID-19 is a very good time to humble ourselves to our Creator. He gives and takes away. He made us and He knows kung hanggang kailan lang tayo sa mundo. Kaya better na bumalik tayo sa Panginoon at kilalanin natin muli Siya as our personal Lord and Savior.
FINANCES
No one hoped for this illness to invade the world. But there is always no harm in preparing for the worst. Kaya being financially prepared can really help us especially during a crisis.
Napansin mo ba na nare-reveal kung sino ang financially prepared at kung sino ang hindi sa panahong ito? Those who have savings, nakapag-impok sila ng food supplies that can last months. May peace of mind sila while ECQ. Pero those na walang savings, wala silang purchasing power to stock up. Habang ang iba ay nagpa-panic buying, maaaring ikaw ay nagpa-panic lang dahil wala kang pang-buy. Those who are not financially secure ay napipilitang maghintay sa ayuda galing sa gobyerno.
I hope that after this ECQ, mag-iba na ang ating pagtingin sa pera. Nawa mas maging masinop na tayo para magkaroon na tayo ng emergency fund. You will have peace of mind because you know you have savings that will protect your family against this crisis.
“Ngayon natin makikita ang halaga ng pag-iimpok
dahil hindi naman natin makikita kung kailan
ang mga ganitong emergency.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang life lessons na nakuha mo sa krisis na ito?
- Anu-ano ang mga improvements na gagawin mo after ECQ?
- Paano mo mapahahalagahan ang iyong pamilya at ang iyong spiritual life?
—————————————
WATCH THIS VIDEO:
Life Realizations with Jodi Sta. Maria
https://youtu.be/tYCwK2fQZOM
ARE YOU SICK AND TIRED OF YOUR PERSONAL, PROFESSIONAL AND FINANCIAL LIFE?
If you are, BEST NEWS! Your worry days are over!
Two of the best speakers in the Philippines come together for a special FB live course. Join me and my mentor, Francis Kong, on APRIL 18 SAT, 9PM Entitled: “YOUR BEST FINANCIAL YEAR EVER”
Click here to register and avail the EARLY BIRD RATE of Php 598 instead of Php 2,598: https://chinkeetan.com/best
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.