I’m sure nabalitaan n’yo na yung issue sa MRT last November 16.
Pero sa mga di pa nakakaalam, na detached o nakalas
yung isang trainset sa isa pang trainset.
So imagine what happened:
Kasalukuyan tayong umaandar,
bigla na lang napahinto dahil natanggal yung
sinasakyan natin sa pinagkakabitan o kaduktong nito.
Nakatatawa na lang isipin na
“PATI BA NAMAN TREN NANG-IIWAN??”
Ito siguro ang pinaka #hugot na
pwede natin makuha sa balitang ito.
Lalo na karamihan sa atin ay naranasan ng
maiwanan o mang-iwan ng taong malapit sa atin.
Yun ang nakalulungkot.
- 10 years ng magnobyo biglang maghihiwalay
- Ang tibay ng barkadahan biglang may tumiwalag
- Matagal ng magkasama, biglang lumipat ng kumpanya
When these things happen,
ano ba yung kailangan natin tandaan para
mas makapag let go tayo ng maluwag?
IT NEEDS TO HAPPEN nangiiwan
(Photo from this Link)
We keep on blaming ourselves kapag iniiwanan tayo
ng mga taong napamahal na sa atin.
“Masyado ko kasi siya sinakal.”
“Hindi ko kasi siya pinagbigyan.”
No. It’s not always about us.
Minsan, kailangan lang nito mangyari
Because… IT’S TIME.
Na kapag pinatagal pa, mas lalo lang magkakasakitan.
May realization na hindi pala talaga tayo parehas ng values.
O di kaya’y kailangan lang nila lumipat for career growth.
DECIDED NA SILA, NOON PA nangiiwan
(Photo from this Link)
Hindi lang ngayon, pero most likely matagal na nila ito pinag-iisipan
at ngayon lang nakahanap ng tiyempo.
Kahit anong pakiusap o pagmamakaawa,
wala ng effect ito sa kanila.
Kapag decided na kasi ang isang tao at
sarado na ang kanilang isip,
mahihirapan na tayong baguhin ito.
Kaya huwag ipilit.
Huwag mag-expect.
TOXIC NA MASYADO nangiiwan
(Photo from this Link)
They decided to leave baka dahil:
- Pagod na pagod na sa trabaho
- Wala ng oras para sa ibang bagay
- Araw araw na lang nag-aaway at nagsisigawan
- Madalas napapagtripan sa grupo
Kung baga sa ganitong senaryo
may chance na meron at merong susuko at aalis.
Maski naman tayo, kung araw araw na lang tayo
napapalibutan ng negativity, maiisip din natin ito at some point.
Ang tanong lang dito, bibigay ba tayo o hindi?
Kakalas din ba tayo tulad ng MRT?
“Kung tayo man ay iniwanan, isipin natin na baka may mas malalim pang dahilan.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Sino yung nang-iwan sa ‘yo?
- Bakit ka kaya iniwan?
- Ito kaya talaga ang dahilan o may iba pa?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“THE COMPLETE GUIDE TO THE IMPORTANCE OF MARKETING ”
Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2zQrmQP
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
Season 1 Episode 3: ” Travel Now, Pulubi Later”
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT PACKAGE
1 Moneykit + 8 Books
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.