Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

Bakit List #3: Bakit may Taong Nangangamusta lang Kapag may Kailangan?

March 26, 2018 By Chinkee Tan

nangangamusta

Naranasan mo na ba yung

lalapitan ka lang kapag may kailangan sila?

 

Yung akala natin namiss talaga nila tayo,

akala natin, gustong makipagkwentuhan lang

kaya sila nag-message sa atin sa Facebook o nagtext

tapos biglang:

 

“Nga pala….”

“By the way, may tatanong sana ako…”

“Sorry ah, pero kakapalan ko na mukha ko…”

 

Yun na!

Meron pala silang kailangan!

Aruy!

 

Ang dami ng nangyari sa buhay natin

nitong nakalipas na buwan o taon—

Meron sa ating namatayan,

nagkaro’n ng emergency,

o napaulanan ng problema

pero wala man lang silang paramdam o

wala man lang tayo nadinig na simpatya…

 

Tapos ngayong may kailangan sila,

biglang feeling close?

 

Sino ba naman ang hindi maiinis ‘di ba?

Para kasing pakiramdam natin ginagamit lang tayo.

 

Bakit nga ba may mga taong ganito?

 

Table of Contents

Toggle
  • KAPIT SA PATALIM nangangamusta
  • ABUSADO nangangamusta
  • HINDI NABAGO ANG BUHAY nangangamusta
  • THINK. REFLECT. APPLY.
  • CHINKEE TAN UPDATE:
  • BOOKS
    • IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
    • DIARY OF A PULUBI
  • MONEYKIT

KAPIT SA PATALIM nangangamusta

nangangamusta

(Photo from this Link)

Wala na silang matakbuhan

kaya nagbabakasakali na lahat

ng lalapitan nila (including us),

eh isa o dalawa man lang “sana” dun

ay matutulungan sila.

 

Hindi na nila iniisip ang sasabihin ng iba,

bahala na kung maging masama ang tingin sa kanila,

ang importante ay sinubukan nila.

 

Sila yung mga taong mabibigat na ang problema

kaya kailangang mahanapan na nila agad ng solusyon

kaysa datnan ng hiya, tapos wala naman mapapala.

 

ABUSADO nangangamusta

(Photo from this Link)

Umutang na noon, umuulit na naman ngayon.

Napagbigyan na noon, susubukan uli.

 

Kasi feeling nila:

  • Mabait tayo
  • Maasahan
  • Walang tinatanggihan

 

Kaya heto, lalapit uli sila thinking na

mapagbibigyan na naman uli yung gusto nila.

 

Hindi nila naiisip na parang

“Ay nakakahiya, tagal na naming ‘di nag-uusap”

“Okay lang kaya lumapit? ‘Di kami close eh.”

“Nakahiram na ko no’n eh, awkward naman.”

 

Basta gusto nila, gusto nila.

 

HINDI NABAGO ANG BUHAY nangangamusta

(Photo from this Link)

Tuwing kailan sila lumalapit?

Madalas kapag kailangan ng pera?

Kapag naiipit sila sa utang?

 

You know, the issue here is not the borrowing,

ang issue yung nangyari AFTER nila manghiram noon.

 

Okay lang yung minsan eh

but it was expected sana na may ginawa na sila

para hindi na maulit ang nangyari noon.

 

Eh kaso ang nangyari,

pagkabayad ng utang

bumalik uli sa dating lifestyle.

 

Nung napahiraman,

imbis na ipambayad sa credit card billing,

ayun, nagshopping!

 

Kaya ang ending,

lalapit na naman sila sa atin

para isalba sila sa maling desisyon nila.

 

Ulit-ulit, ulit-ulit.

Hanggang pinagbibigyan,

patuloy na lalapit kapag may kailangan.

 

“Yung mga Kamag-anak at Kaibigan na Nangangamusta lang ‘pag may Kailangan,

Karaniwan sa FB Messenger sila Nagkalat at Matatagpuan.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Minsan ka na bang nabiktima ng ganito?
  • Paano mo sila hinarap?
  • Paano mo sila matutulungan ng hindi kinukunsinte?

 

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: Family, Finance, Friendship, Relationship Tagged With: Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, nangangamusta

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.