Nakarinig na ba kayo ng mga ganitong linya?
“Pera lang yan, pagtatalunan n’yo?”
“Hindi ka na naman sinusuportahan ng asawa mo?”
“Ikaw na lang lagi ang umiintindi.”
Mga linya ng mga kaibigan o kaya kaanak mo kapag ikaw ay naglalabas ng sama ng loob sa kanila. Mga linya na hindi naman nakatutulong din sa paglutas ng problema.
Bakit?
I will share with you the three reasons why couples fight about money.
LACK OF COMMUNICATION
Maaaring big deal sa ‘yo ang pagbili ng asawa mo ng bagong bag pero sa asawa mo, hindi naman.
Maaaring hindi big deal sa ‘yo ang pagkain-kain sa labas pero sa asawa mo, big deal yun.
Kaya naman when it comes to money matters, kailangan alam n’yo kung ano ang priorities n’yo at pinag-uusapan talaga dapat ito. Hindi ibig sabihin na dahil mas malaki ang sweldo ng isa eh wala nang say ang isa.
Pag-usapan ito nang maayos at hindi ito kailangan pag-awayan.
BAD HABITS
Ikaw, kapag sweldo, kain agad sa labas. Ang asawa mo naman, online shopping agad. Oh ang saya! Kumusta naman ang savings n’yo?
O kaya naman swipe lang ng credit card, travel pa more, tapos kapag nandyan na ang bills, magkakagulatan na lang.
Naku kapag ganito ang laging habits ninyo, wala talaga kayong maiipon. Kaya dapat magtulungan kayo para makaipon para sa inyong future. Tandaan na hindi na rin kayo binata’t dalaga.
Mayroon na rin kayong pamilya na kailangan alagaan at retirement fund na kailangan simulan.
FAMILY SUPPORT
Sa kultura nating mga Pilipino, hindi talaga maiiwasan ang extended family. Kaya naman nandyan din ang pagtulong sa mga magulang o kaya mga kapatid.
Maganda rin na tumutulong sa pamilya, pero tandaan din na mayroon na kayong sariling pamilya kaya kailangan n’yo ring paghandaan ang mga pangangailangan ng inyong asawa at anak.
Kahit sinuman ang may final say sa inyo, mahalaga pa rin na pareho kayong nagkasundo at pareho kayong may boses sa bawat opinyon na nasasaisip ninyo.
“Sa mag-asawa, kung ayaw n’yo ng giyera, dapat maayos ang usapin n’yo tungkol sa pera.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Nagkaroon na ba kayong mag-asawa ng pagtatalo tungkol sa pera?
- Anu-ano ang mga pagbabago na ginawa ninyo para maayos ang inyong saving habits?
- Paano ninyo hinahati ang inyong mga sahod para sa pagtulong sa inyong pamilya?
Watch this video:
5 Most Common Money Fights of Couples
https://www.youtube.com/watch?v=nigAxC34zu4&t=468s
**HAPPY WIFE HAPPY LIFE LIVE SEMINAR FOR ONLY P799**
Click here https://lddy.no/8vdd
IN THIS EVENT YOU WILL LEARN
- About the wrong ideas (myths) about marriage and how to bust them. Replace the myths with truths.
- To have a better and healthier communication between you and your spouse.
- To improve intimacy by understanding what intimacy truly means.
- The role of money in marriage; how to have the right attitude towards finances.
- Learn how your relationship can blossom by knowing and speaking the love language of your spouse
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.