Kung gusto nating maging masaya at successful, marami kailangang isakripisyo at baguhin sa ating mga sarili. Kabilang na rin dito ang mindset natin. Nakakaapekto ang mindset sa thinking process at emotion natin sa pagreact sa mga nangyayari sa paligid.
Our mindset has to match our goals. Kung hindi kasi ay maaaring mapigilan nito ang pag-abot natin sa mga ito.
‘WAG MAG-FOCUS SA FAILURES
Instead, ituring nating mga lessons sa buhay ang mga ito na kailangan nating maranasan at matutunan. Kailangan nating mai-apply sa buhay lahat ng mga aral na natutunan natin mula sa mga ito.
‘Wag matakot magkamali, ‘wag i-down ang sarili tuwing nagkakamali. Let us face our failures with a strong and positive mind.
Accept the failures, apologize if needed, do the right thing to solve it, and then learn from it.
LOOK AT THE BRIGHTER SIDE
Kapag nanghihina tayo, ‘wag nating isiping hindi na kaya at wala nang magagawa pa. Be as rational as possible, and then solve it.
Kapag nanghihina tayo, ‘wag nating isiping hindi na kaya at wala nang magagawa pa. Be as rational as possible, and then solve it.
Kapag sobrang busy na sa career, ‘wag nating isiping pasan natin ang daigdig. Try to look at things as an opportunity, rather than as a chore.
Kung talagang mabigat para sa ’yo ang pinapagawa sa ’yo, then say NO to it.
Sa ganitong mga paraan mas magagawa nating malagpasan bawat problema nang may ngiti sa mukha. Celebrate things that go well, and learn from the things that did not.
HOW DO YOU CHANGE YOUR MINDSET?
Kausapin mo sarili mo. Tumingin ka sa salamin at sabihin mong “ang ganda ko!” “kaya ko ‘to!” “malalagpasan ko ‘to!”
Sa dami nang taong nandyan para i-motivate tayo, ang sarili natin ang pinakaimportante.
Iwasan ang negativity! Instead, let us surround ourselves with good and positive people. Yung mga taong may mindset na katulad nang gusto nating ma-achieve.
Kung gusto mong maging successful sa trabaho o business mo, doon ka sa mga taong business-minded na may puso at the same time. Marami kang matututunan sa kanila.
Lastly, let us get out of our comfort zones. ‘Wag nating ikulong at i-suffocate ang mga sarili natin sa isang kahon lang. Lumabas tayo sa kahon para makita natin kung gaano pa kalayo at kataas ang maaari nating marating.
“Change your mindset, and your perspectives in life will change too. Think positive, and your mood and actions will be positive too. ”
Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang mga goals mo sa buhay?
- Paano nakakaapekto ang current mindset mo sa buhay sa pag-achieve mo sa iyong goals?
- How will you improve your mindset to achieve your goals?
————————————————————————————-
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.