Nung minsang napadaan ako sa isang mall,
meron akong nakitang shop na pagkahaba-haba ng pila.
Kumurba na yung daanan, aba may pila pa rin!
So nakiusyoso ako saglit.
Nakita ko, hindi naman ito pila sa bigas.
Hindi naman ATM. Hindi rin naman cashier o
kaya sakayan ng LRT o MRT na usually
nakikita nating mahahaba ang pila.
Alam n’yo kung ano? MILK TEA!
Na “SHOOKT” ako mga Bes!
Kakabukas pa lang ng mall nun ah!
What more kapag nagdatingan na ang mga tao?
Ako man ay fan din ng milk tea.
It makes me happy for some reason.
Nae-enjoy ko rin yung
pag nguya nguya ng pearls at jelly.
At siguro ang iba sa atin, we enjoy sipping while
making tambay and making pindot pindot
on our laptops and cellphones with matching
selfie and IG story ‘di ba?
Then I realized something.
Ang laki pala ng nagagastos natin dito!
Ranging from P75 to P110 ang isang baso.
Eh pag chumoosy pa tayo ng extra pearls o
extra rock salt and cheese, plus plus pa ‘yan.
Sabihin na nating P110 x 7= P770
X 4 weeks= P3,080 in a month!
Puhunan na ‘yan o kaya pang monthly investment na sa bangko.
Nakakahinayang ‘di ba?
Oh, baka sabihin n’yo ang KJ ko na naman
pati ba naman ito pinapakelaman ko. Haha.
Again, inuulit ko, kung may badyet,
kahit isang drum pa inumin natin walang problema,
kung wala, here are some alternatives:
S2S STRATEGY milk tea
(Photo from this Link)
“Anong S2S, Chinkee?”
Switch to Sachet Strategy!
Madami ng naglabasang milk tea shops pero may
ilan-ilan na rin namang kumpanyang naglabas ng sachet.
Okay din naman ang lasa, masarap,
at mas mura pa!
Gaano ka mura?
P11 kumpara sa P110!
Pwede pang dalawang gamitan
since ito ay matamis,
kalahati lang ang gamitin ngayon,
bukas yung natirang kalahati naman,
eh ‘di papatak na P5.50 na lang ‘di ba?
Malaking bagay yu’n friend!
Minsan habol lang naman natin
yung masabing nakainom tayo
at masatisfy yung taste buds, so
this can be our alternative. #MILKTEA-pid
HINDI KAILANGANG MASUBUKAN LAHAT milk tea
(Photo from this Link)
Hindi porke may bagong bukas, subok.
Hindi porke nasubukan nila, kailangan tayo rin.
At hindi porke natikman nila, gagayahin natin.
Kasi kung ganito na rin lang ang sistema,
sa kada labas ng produkto o bukas na shop,
money will be spent only for this
just because we feel na kailangan natin subukan.
But we don’t.
Feeling lang natin na kailangan
pero temporary lang iyan.
Maya maya lang wala na ‘yan
especially if our mind is busy.
Inguya lang natin ng kendi ‘yan
o tsokolate, our cravings will be
satisfied kung tamis lang din ang habol natin.
‘Pero Chinkee, hinahanap ko lasang tsaa talaga eh”
Tsaa ba kamo?
GO FOR TEA BAGS milk tea
(Photo from this Link)
Tapos lagyan natin ng kaunting evap
at bumili ng sago o gulaman na nasa lata
at ilagay sa malaking baso with yelo…
Surprise! Instant milk tea!
Ang maganda pa rito, these tea bags
can help us sa ating pag de-detox or cleansing,
digestion, sa pagtulog, o metabolism because
of the contents of each tea bag.
Mas mura na, may benepisyo pa!
There are alot of alternatives
kung tutuusin. Nasa atin na nga lang
kung itong pagtitipid ba ay
ating seseryosohin o hindi.
Kung ayaw natin maging pulubi later,
go for alternatives and fight temptation.
“Ang milk tea ay pang-libang lamang at hindi ginagawang tubig na inaaraw-araw.
Huwag milk tea now, pulubi later”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ba ay adik sa milk tea?
- Nakakailan ka sa isang linggo at magkano ang nailalabas mong pera para dito?
- Paano mo kaya ito kokontrolin para hindi pulubi later?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.