Meron ka bang mga haters sa iyong buhay?
Yun bang kahit ano ang gawin mo, may masama pa rin silang mga comments.
Wala ka na nagawang tama.
Binibigyan nila ng masamang meaning ang lahat ng ginagawa mo.
Sa tagal ko na sa mundong ito, this is what I’ve discovered –
hindi ka talaga mawawalan ng haters.
Bakit nga ba may mga haters?
INGGIT SILA SA IYO
Hindi ito maiiwasan.
As a matter of fact, kung hindi rin tayo conscious, we will also feel envious towards others.
This is the reason why we need to level up.
Dapat maging conscious tayo and make sure we don’t go towards that direction.
FEELING NILA THEY ARE BETTER THAN YOU
Believe me, up to this day I get comments like “wala naman alam yan’ or “hindi naman nakapagtapos yan sa college”. (Which hindi ko naman tinatago)
They cannot believe that an undergraduate like me is able to do what I am doing now.
Ganoon din sa iyo, may mga tao na feeling nila magaling sila.
Kaya huwag mo ng patulan.
SILA LANG ANG MAY RIGHT NA MAGING SUCCESSFUL
Sad but true. Some people feel that they deserve all the success. Ayaw nila kapag may ibang tao na successful. We need to avoid this type of attitude. This is not healthy for anyone. If we have this attitude we are saying, “Ako lang ang may karapatan na kumain sa buhay at iyong mga iba ok lang na mamatay sa gutom.”
The reason we have this type of attitude is because we have a scarcity mindset. Yung feeling na mauubusan at parang ninakawan tayo ng market. Kapatid, there is enough for everyone. Iwasan natin mag-isip na para tayong mauubusan.
“Kaysa mainis ka, pray for your “haters”.
Sila ang proof na hindi ka pa sikat, may following ka na!”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Meron ka bang haters?
- Meron bang mga taong naiingit sa iyo?
- Pinapatulan mo ba o hindi?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.