Bakit kaya may mga taong napaka-demanding?
Ginawa mo na ang lahat..
Nagsakripisyo ka na..
Kulang pa rin.
Wala na silang ibang inisip kundi ang kanilang mga sarili.
Most of the time kapag hindi mo sila napagbigyan, sasama pa ang kanilang loob at palalabasin na wala kang kwentang kaibigan, kapatid o magulang. Nakakalungkot hindi ba?
Ang kanilang primary concern ay ang kanilang sarili.
May I ask? Kailan ba sila huling nagtanong kung…
Ikaw ba ay kumain na o baka nalipasan na ng gutom dahil sa walang humpay na pagkayod?
Kamusta ka na ba? ikaw ba ay pagod?
May kailangan ka ba o baka meron silang pwedeng itulong sayo?
Kung ikaw ay na-guguilt trip ng iba at pinapalabas na masama. Kapatid hindi ikaw ang may issue kundi sila. Ikaw na nga walang tigil na gumagawa ng paraan, sila pa itong may ganang magtampo. Ihi na nga lang ang pahinga mo, pag-uwi mo pa ng bahay, ikaw pa magsisilbi sa kanila.
If you are going through this kind of situation, I just want you to know na hindi ikaw ang may problema. Yung taong pinagsisilbihan mo ang may issue.
Chill ka lang kapatid. Huwag mong parusahan ang iyong sarili para sa iba, especially sa mga taong parang wala namang pagpapahalaga sayo. Matuto ka ring mahalin at pahalagahan ang iyong sarili.
THINK. REFLECT. APPLY.
May mga tao bang demanding sa buhay mo?
How do you deal with them?
When was the last time you gave yourself a break?
PEOPLE WHO ARE DEMANDING SOMETIMES SET UNREALISTIC EXPECTATION.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.